ni Rensel Sabando @Entertainment | February 19, 2024

Nakakatakot ang ibinahagi ng Filipino singer-actress na si Jaya sa nangyaring car accident habang papuntang concert ni Regine Velasquez at para ma-meet ang kanyang mga kaibigan sa US.
Sa kanyang Instagram post, ishinare niya ang banggaan habang papunta sila sa concert.
Bukod dito nag-express din siya ng pasasalamat sa divine protection at safety ng kanyang mga kasama sa loob ng sasakyan.
Sa video, makikita na sobrang wasak ang likod at pati ang harap ng sasakyan habang may nagre-rescue sa kanila. At may kasama pa itong Bible verse na hango sa Isaiah 41:10.
Caption ng singer: “ On a ride from Sacramento, California, on the way to Graton Casino to see my friends and watch Regine V's concert...when all of a sudden we get into a car collision.”
Ilan sa mga kasama niya ay si Dr. Josephine Weber na driver at that time at si Auntie Merly Escolta (her cousin) nang bigla silang nabangga sa likod.
Dagdag pa niya, “I am doing ok but my friends are being checked and they will be alright.”
Ang laki namang pasasalamat niya sa Panginoon, “Thank you Jesus for sending us divine protection and covering us with your blood. It could've been super worse. I'm glad Doc and Auntie Merls are ok.”
Nagbigay din siya ng reminder sa dulo ng kanyang caption na always wear your seatbelts, especially if isa ka sa mga back seat passengers.
Comments