top of page
Search
BULGAR

Japanese Inoue vs. Tapales abangan sa Disyembre

ni GA @Sports | October 15, 2023




Susuungin ang mahirap na pagsubok sa selebrasyon ng kapaskuhan upang matupad ang pinapangarap na maging kauna-unahang Pilipinong undisputed kampeon sa katauhan ni unified World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) champion Marlon “Nightmare” Tapales laban sa dating bantamweight undisputed at kasalukuyang may hawak ng World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) titlist Naoya “The Monster” Inoue sa umaatikabong sapakan sa Disyembre 26 sa bansang Japan.


Inihayag ni Top Rank big boss Bob Arum sa panayam ng batikang manunulat at host na si Steve Kim na planong gawin ang mega-fight bout matapos ang araw ng Pasko sa lungga ni Inoue para pagsamahin ang kanilang titulo sa iisang maghahari ng 122-pound dibisyon.

Sakaling matupad ang kahilingan para 31-anyos na tubong Tubod, Lanao del Norte ay magiging unang ganap na Pinoy na kampeon ng apat na title belt, higit sa nag-iisang eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquaio, four-divisions Nonito Donaire at Donnie Nietes at three-division Johnriel Casimero, na hindi nagawang makalapit sa naturang undisputed race, habang kung mapapasakamay ng undefeated Japanese at No.2 pound-for-pound fighter ang mga titulo ay hihiranging ikalawang lalaking kampeon na nakahawak ng dalawang undisputed belts kasunod ni welterweight king Terrence “Bud” Crawford.

So, Bob Arum tells me that he believes things are moving forward for Naoya Inoue-Marlon Tapales for all the belts at 122, in Japan in December 26,” ayon sa post ni Kim sa X, kung saan plano sanang dalhin sa Amerika ang laban subalit nais ni Inoue na ganapin ang laban sa kanyang hometown. “As for “The Monster” fighting again next year in America. He wants to fight here [Japan].”

Kumamada na sa masinsinang ensayo si Tapales sa paggiya ni head trainer Ernel Fontanilla na idinaraos sa Knucklehead Gym sa Las Vegas, Nevada sa Amerika bilang preparasyon sa malakihang salpukan ng dalawang unified champions sa panahon ng four-belt era.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page