top of page
Search
BULGAR

Japan: Visa exemption sa PH Gov't officials

ni Mylene Alfonso | February 11, 2023




Inanunsyo ni Prime Minister Fumio Kishida na magkakaroon na ng visa exemptions ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas pagpasok sa Japan.


Ayon sa joint statement ng Japan at ng Pilipinas na inilabas ng Embassy of Japan, ginawa ni Kishida ang anunsyo sa isang Summit-level Working Dinner kasama si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong Huwebes ng gabi.


"Prime Minister Kishida announced visa exemption mainly for Philippine government officials," ayon sa binasang joint statement.


Malugod naman na tinanggap ni Pangulong Marcos ang anunsyo ng Japan at ipinahayag ang kanyang pag-asa na mabuo ang momentum na ito upang higit pang mapadali ang pagpapalitan ng mga tao sa pagitan ng dalawang bansa.


Hindi pa binanggit kung kailan epektibo ang nasabing visa exemptions.

Nabatid na si Marcos ay nasa Tokyo para sa kanyang official working visit.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page