ni Jenny Rose Albason (OJT) | April 24, 2023
Nagbabala ang Japan's Defense Minister na si Yasukazu Hamada na handa nitong barilin ang isang North Korean spy satellite sakaling mahulog ito sa teritoryo ng Japan.
Ayon sa isang pahayag ng Defense ministry, inihahanda ni Hamada ang Self-defense Forces dahil maaari niyang iutos ang pagsira sa mga ballistic missiles.
Kasama sa mga paghahanda ang paggawa ng mga kaayusan upang mag-deploy ng mga troops sa southern prefecture ng Okinawa upang "i-minimize ang pinsala sakaling mahulog ang ballistic missile".
Samantala, sinabi naman ng North Korean leader na si Kim Jong Un na ang nakaplanong paghahanda sa paglulunsad ng unang spy satellite ng bansa ay dapat magpatuloy upang labanan ang mga nakikitang banta mula sa Estados Unidos at South Korea.
Comments