top of page
Search
BULGAR

Japan pinarangalan si Yulo bilang 2X Olympic gold medalist

ni MC @Sports News | Oct. 3, 2024



Sports Photo

Sa laki ng naging papel ng Japan upang masungkit ni Carlos Yulo ang tagumpay lalo na ang naitulong ni Japanese coach Munehiro Kugimiya para siya maging isang world-class athlete at taguriang Pinoy champion, binigyang-pugay ng Japan Embassy sa Pilipinas ang naging tagumpay na iyon ng Pinoy gymnast nang makakuha ng 2 gold medals sa 2024 Paris Olympics.


Kasabay nito kinilala ng Japan ang panalo ni Yulo sa isang programa sa Japanese Embassy sa Ambassador’s Residence sa North Forbes Park sa Makati City.


“It was fitting the Japanese Embassy to cele¬brate Caloy’s [Yulo] double victory in Paris. It was in Japan where Caloy honed to become a two-time world and double Olympic champion,” ayon kay Philippine Olympic President Abraham 'Bambol' Tolentino. Nagsimulang mag-training sa Japan si Yulo kasama si Kugimiya noong 2016 at naging scholar siya sa Teiko University.


“For most of his late teens, Caloy has done so well in his sport and those two gold medals in Paris are testament to what he learned while in Japan,” ani Tolentino.


Host sina Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya at asawang si Akiko Endo sa seremonya kasama si International Gymnastics Federation president Morinari Watanabe ng Japan at sumaksi rin sina PSC chairman Richard Bachmann at gymnastics head Cynthia Carrion-Norton sa parangal. Pinasalamatan ni Yulo ang Japan lalo na si coach Kugimiya sa naitulong sa kanya.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page