ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 14, 2021
Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang eastern coast ng Japan kahapon, Sabado, ngunit wala namang itinaas na tsunami warning, ayon sa awtoridad.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang epicenter ng lindol ay sa Fukushima prefecture, alas-11:08 PM at may lalim na 60 kilometers (36 miles).
Naiulat din ang power outages sa Tohoku region, eastern Japan.
Ayon naman sa tala ng US Geological Survey, ang naturang lindol ay magnitude 7.0 at may lalim na 54 kilometers.
Samantala, walang naiulat na matinding pinsala ngunit naramdaman din ang malakas na pagyanig sa Tokyo
Comments