top of page
Search
BULGAR

Japan nagbigay pa ng P663 M relief assistance para sa mga biktima ng bagyong Odette

ni Jasmin Joy Evangelista | January 15, 2022



Inanunsiyo ng Japan nitong Biyernes na naghanda sila ng $13 million o P663 million sa relief funds upang matulungan ang mga komunidad na naapektuhan ng bagyong Odette noong nakaraang taon.


Sa isang pahayag, sinabi ng Japanese Embassy in Manila na ang emergency grant aid ay makatutulong sa implementasyon ng humanitarian assistance activities sa mga apektadong lugar tulad ng pagkain, tahanan, non-food items, health, at water sanitation, para sa mga survivor ng bagyo.


“Being a friend closer than a brother, Japan is fully committed to supporting the Philippine Government and its people in this time of great need,” ayon pa sa pahayag.


Nauna nang nagpadala ng emergency assistance packs, generators, sleeping mattresses, sleeping pads, at dome tents ang Japanese government sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa mga nasalanta ng bagyo.


Ang total reported deaths bunsod ng bagyong Odette ay umabot na sa 407, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Lunes.


Halos isang buwan matapos ang pananalasa ng bagyo sa Visayas at Mindanao, mayroon pa ring 60,736 pamilya o 229,424 indibidwal ang nananatili sa 1,207 evacuation centers.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page