top of page
Search
BULGAR

Japan at ‘Pinas, nagkasundo sa pagdepensa sa soberanya

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 11, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Kamakailan lang ay pinirmahan ang isang kasunduan sa pagitan ng Japan at ating bansa tungo sa pagdepensa ng ating soberanya.


Nilagdaan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro at Japan Foreign Minister Yoko Kamikawa nitong Lunes ang Reciprocal Access Agreement. Ang RAA na ito ang unang kasunduan ng Japan sa Asia.


Pinapayagan ng RAA ang pagpasok ng Japanese armed forces sa Pilipinas para magsagawa ng mga joint combat drills. Gayundin, makakapasok ang ating mga tropa sa Japan para sa parehong layunin.


Naniniwala tayong malaki ang maitutulong ng RAA sa pagpapalakas ng ating national defense and security.


Kailangan pa ng ratipikasyon ng kasunduang ito sa lehislatura, ngunit inaasahan natin na maipapasa ito sa Senado.


☻☻☻


Sa susunod na linggo ay sisimulan na ng Philippine Statistics Authority ang pangangalap ng data para sa population census at Community-Based Monitoring System (CBMS).


Nasa 27 million households ang inaasahang maaabot ng 70,000 enumerators sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa mga pamilya mula July 15 hanggang Sept. 15.


Hinihimok natin ang ating mga kababayan na makipagtulungan sa PSA at sagutin nang maayos ang mga itatanong ng PSA.


Mahalaga ang mga impormasyon na makakalap nila sa pagtukoy ng populasyon ng ating bansa at sa kung sino ang mga nakikinabang sa mga social protection program ng pamahalaan.


Ang mga impormasyon din na makakalap ay mahalaga sa pagplano, paglikha, at pag-implementa ng iba’t ibang programa at proyekto para sa kapakanan ng mga kababayan natin. 


Base sa huling census na isinagawa noong 2020, nasa 109 milyon ang populasyon ng bansa.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

تعليقات


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page