ni Rohn Romulo @Run Wild | October 01, 2023
Hindi pa rin makapaniwala si Heaven Peralejo na siya ang itinanghal na National Winner for Best Actress in a Leading Role na pambato ng bansa sa 2003 Asian Academy Creative Awards.
Napansin nga ang husay ni Heaven sa suspense-thriller film na Nanahimik Ang Gabi (A Silent Night) na wagi rin ng Best Feature Film.
Sa Instagram post niya last Thursday (September 28), sinimulan niya ito ng, "Still on cloud nine.
Most unexpected victory yet.
“Never in my wildest dreams did I imagine this to be happening! I am truly so honored to have won the Country Winner for Best Actress in #NanahimikAngGabi and being nominated as the Philippine representative for the Asian Academy Awards. @asianacademycreativeawards.”
Pagpapatuloy pa niya, "But the blessings did not end just there. Our film also received recognition for Best Screenplay and Best Picture. It's an absolute dream come true, and I still can't believe it.
This will forever be in my heart.”
Isa sa mga official entries sa 2022 Metro Manila Film Festival ang Nanahimik Ang Gabi kung saan bida rin sina Ian Veneracion at Mon Confiado. Nakalimutang banggitin ni Heaven na national winner si Mon para sa Best Actor in a Supporting Role.
Marami namang netizens ang nag-congratulate sa kanyang IG post at nagsabing well deserved niya ang naturang award. At may nag-comment pa na, "Ikaw talaga Best Actress ko nu'ng MMFF."
Kung matatandaan, si Nadine Lustre ang itinanghal na Best Actress sa 2022 MMFF Awards Night para sa Deleter.
Komento pa nila sa sikat na entertainment blog...
"In fairness naman kay girl, marunong siyang umarte. 'Di ko gets ba't ang dami n'yang basher."
"Taray! May papalit na kay Lovi Poe."
"Magaling siyang umarte, sa true lang, kaya focus siya sa ganyan kahit 'di na siya maging big star, award-winning actress na ang habol niya, tatagal siya."
"Congratulations to Heaven Peralejo. It's good na patuloy kang nare-recognize for this film."
Anyway, may nabasa kaming comment na bakit wala man lang nakuha sa acting department award ang Maria Clara at Ibarra kahit nagwagi ang theme song na Babaguhin Ang Buong Mundo na inawit ni Julie Anne San Jose.
Nagtataka rin sila kung bakit hindi nanalo si Janice de Belen sa pagka-Best Actress na napakagaling sa Dirty Linen at maging si Andrea Torres para sa MCAI na deserving din daw sa Best Actress in a Supporting Role category.
Oh, well, kani-kanya lang namang taste at criteria 'yan, kaya tanggapin na lang natin ang napiling national winners at i-wish na may manalo sa mga panlaban ng Pilipinas.
Comments