top of page
Search
BULGAR

JANELLA, OCT. 20, 2020 IPINANGANAK ANG BABY BOY NILA NI MARKUS

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 5, 2021




Inilantad na sa social media nina Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang baby na si Jude na ipinanganak noong October 20, 2020 sa England.


Sa vlog nina Janella at Markus, inilabas nila ang mga video clips noong buntis pa ang aktres hanggang sa nanganak na ito.


Saad ni Janella, “Hey Jude, as I compose this, I’m staring at your perfect little face with all the love I didn’t know I had in me. I’m feeling so many emotions but mostly excited that we’re ready to finally introduce you to the world.


“Well, if I’m going to be honest, I was quiet nervous about this because I know how harsh the world can be.


“If your dad and I could have you all through ourselves forever in our own quiet little world, we would. But that would be selfish. You’re too precious to not be shared.”


Samantala, sey naman ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio, “You (Jude) even came to me in a dream even before you were born but I didn’t see your face.


“I know you came to us as a surprise but you are one pleasant surprise that we all don’t mind having.”


Pahayag naman ni Maja Salvador na nakasama ni Janella sa drama television series na “The Killer Bride”, “I love you, I love you Baby Jude. Hindi pa kita nakikita sa personal pero ganu’n pala ‘yun, mahal na kita kaagad kasi grabe ‘yung ginawa mo sa ‘min ng mommy mo. Isa kang malaking blessing.


“Akala ko after ng teleserye namin ng mommy mo, hanggang du’n na lang ‘yung relationship namin but no. Mas naging strong ‘yung relationship namin ng mommy mo, ang dami naming bonding pa after nu’ng teleserye namin tapos biglang ito ka, dumating ka sa buhay namin. So isa kang malaking blessing sa aming dalawa dahil mas tumibay ‘yung relationship namin dahil sa ‘yo.


“Excited ako na umuwi ka para maiparamdam ko sa ‘yo kung gaano kita kamahal.


“Gusto ko lang sabihin, Baby Jude, na kung gaano ko pinoprotektahan at minamahal ang iyong mommy na si my Emma ay ganu’n din, triple, quadruple pa ‘yung gagawin ko sa ‘yo.


“My Emma and Markus, congratulations! To my Emma, I’m so proud of you. Alam kong hindi madali ang lahat, alam kong hindi magye-yes sa lahat, but ito ka, nagawa mo na ‘to, I’m so proud of you dahil in-embrace mo, tinanggap mo si Baby Jude agad-agad sa buhay mo.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page