ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 05, 2021
Sa iniulat na panayam ni MJ Felipe kay Jane De Leon sa TV Patrol nitong Oktubre 2 (Sabado), tuluy-tuloy na raw ang pagda-Darna ng Kapamilya actress sa ABS-CBN's TV series ngayong Nobyembre.
Sa nasabing panayam, sabi ni Jane, “Kinikilig ako na excited na kinakabahan, sa totoo lang. Iba pa rin ang pakiramdam kapag malapit na, kasi malapit na talaga kaming magsimula.”
Finally, naisukat na ni Jane ang Darna costume.
“Naiyak ako, 'yung feeling na inilalagay na sa akin 'yung headdress. Nagpapasalamat ako kay Lord na matutuloy na,” sey ng dalagang aktres.
Kahapon (Oktubre 4), kinumpirma ng ABS-CBN na si Direk Chito S. Roño ang magdidirek ng 2 weeks episode ng Darna: The TV Series.
Pahayag pa ng ABS-CBN, “Magsisimula na ang taping ng programa sa Nobyembre kasama ang ‘master director’ na si Chito na nasa likod ng mga matagumpay na programa ng ABS-CBN na Imortal, Lastikman, at Spirits at nagbabalik-telebisyon ngayon pagkatapos ng halos isang dekada para sa isa sa pinakamalaking proyekto ng Kapamilya Network sa 2022.
“Bitbit niya ang natatanging galing sa visual effects production at pagkukuwentong may kurot sa puso na aabangan sa makabagong adaptation ng karakter na binuo ni Mars Ravelo, na ang ika-115 kaarawan ay gugunitain sa darating na Oktubre 9.”
Hindi na mabilang ang mga blockbuster movies ni Direk Chito. Ilan dito ay ang pinagbidahan ni Vilma Santos na Bata, Bata, Paano Ka Ginawa (1998). Bukod ito sa mga hit films nitong 'Dekada‘70 (2002), Feng Shui (2004), Sukob (2006), Caregiver (2008), Shake, Rattle & Roll 14 (2012), Etiquette for Mistresses (2015) at ang indie film na Signal Rock (2018).
Ang huling serye ni Direk Chito ay ang ABS CBN's Maria Mercedes na pinagbidahan ni Jessy Mendiola.
Kommentare