top of page
Search
BULGAR

JAK, TANGGAP NA MAKIPAGTIKIMAN SI BARBIE SA IBA PARA SA DATUNG

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 24, 2021




Hindi naman habampanahon ay pa-sweet at pa-cute lang ang puwedeng gawin ni Barbie, lalo na sa pelikula.


Ganoon din naman si Jak, okey lang kay Barbie kung medyo nagpapakita ng katawan at tatanggap ng daring role ang kanyang BF.


Alam naman nilang pareho ang kanilang limitasyon at kung ano ang makakabuti sa kanilang career.


Sa ngayon ay nagsisilbing inspirasyon para kina Barbie at Jak ang isa't isa. Nagkakatulungan sila at walang kompetisyon o professional rivalry.


Four years nang magkarelasyon sina Barbie at Jak. Napag-uusapan na rin nila ang kanilang plano para sa kanilang future. Pero, wala sa agenda nila ang pagpapakasal.


Marami pa silang gustong gawin upang maging financially stable bago mag-settle down. Si Jak Roberto, nakabili na ng lupa na pagtatayuan niya ng kanyang dream house. Pag-iipunan na muna niya ito kaya dobleng sipag niya ngayon sa trabaho.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page