top of page
Search

Jak Roberto, masyadong touchy at agresibo 'pag lasing

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 28, 2023




Tuluyang binasag ng Vivamax sexy star na si Ava Mendez ang isyung idinidikit sa kanila ng long-time boyfriend ni Barbie Forteza na si Jak Roberto.


Inispluk ng aktres kamakailan lang na nagiging touchy na sa kanya si Jak pati na rin sa iba pa nilang kasama sa isang birthday party ng kanilang common friend.


Pagbabahagi ni Ava, naimbitahan sila ni Jak sa isang birthday kung saan nagkataong sila lang dalawa ang artista sa grupo at nagkaroon daw ng inuman, paglilinaw niya pa, naka-inom na raw si Jak ng mga oras na 'yon.


Itsinika nga rin ng aktres na pinaalalahanan daw si Jak na kumalma dahil iba nga ang behaviour ng aktor kapag naka-inom.


Sey ni Ava, “After no'n. Eh, ‘di bumalik na kami sa mga upuan namin, nag-inuman na naman ulit kami. So after that, si Jak sinasabihan na nila. Like ‘alalay lang, mga ganyan.'”


Inusisa naman ng kanyang kausap na vlogger na si Madam LQ kung paano raw ba ang kilos ng aktor kapag nalalasing na ito na sinagot naman ng aktres.


Kwento niya, "Ah, ano eh? Nagiging touchy na siya.”


Nilinaw naman ni Ava na kung para sa ibang tao ay bibigyan ito ng malisya, para sa kanya raw ay normal 'yon dahil makulit at nakainom si Jak.


May mga oras nga raw na nu'ng naparami ang inom ng aktor ay nagiging agresibo ito at nakikipagkulitan na sa mga usherette.


Tahimik naman sa kasalukuyan ang aktor pati ang girlfriend nitong si Barbie.

0 comments

Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page