ni Rohn Romulo @Run Wild | May 3, 2023
Sa inauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City last April 26, nakatsikahan namin ang Kapuso actress na si Sanya Lopez, kasama rin ang isa pang endorser na si Ellen Adarna.
Pareho na palang sumailalim sa lasik surgery ang dalawang sexy actresses, kaya naman malinaw na malinaw na ang kanilang mga paningin ngayon.
Inamin naman ni Sanya na noong una ay sobra siyang kinabahan sa gagawing procedure.
"In-assure naman ako ng mga taga-Shinagawa na it's safe at sabi nila na, 'We will make sure na magiging happy ka right after the procedure.' At nangyari po talaga 'yun, kaya ngayon, part na ako ng Shinagawa."
Dati raw kasi ay extra effort ang ginagawa niya sa pag-arte dahil malabo ang kanyang mga mata. Hindi nga niya masyadong nakita ang kaguwapuhan ni Gabby Concepcion sa pagsisimula ng seryeng First Yaya.
Natanong din si Sanya na ngayong 20/20 na ang vision niya, makita na kaya niya ang 'the right one'?!
"Masyado na ngang malinaw, tapos naghahanap ka ng ano..." sabay-tawa ni Sanya.
Open naman siya sa pakikipag-date at magkaroon na ng boyfriend this year pero, "Sobrang nalilibang kasi ako sa trabaho. Parang iniisip ko nga, paano ko pa ibibigay sa kanya 'yung time ko kung 'yung tulog ko nga, hindi ko maayos. Paano pa kaya 'yung relationship?
"Pero, 'pag dumating naman 'yung time na magkaroon na tayo ng karelasyon, if ever na dumating man siya, ibibigay ko naman ang time ko, gagawa ako ng paraan."
Aminado naman si Sanya na may nagpaparamdam at nangungulit sa kanya, "Meron naman po, kaya lang, hindi talaga ako mahilig sumagot 'pag nagme-message sila at gustong lumabas. O, baka naman friendly date lang. Pero kung lalabas man ako, palaging mga friends lang ang kasama ko."
Opinyon naman niya sa pagkakaroon ng boyfriend na taga-showbiz at non-showbiz, pareho namang may mga advantages at disadvantages sa dalawang option na ito.
Tanong pa namin, dapat bang ipaalam sa Kuya Jak (Roberto) niya at hingin ang approval nito sa magiging dyowa niya?
"Parang hindi na, go na kasi ang kuya ko. Ang kuya ko na ang naiinip, 'Kailan ka ba? Ano'ng plano mo, 'day?'"
Para sa kaalaman ng lahat, NBSB o no boyfriend since birth pa raw kasi itong si Sanya Lopez.
Samantala, ang Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center ay ang first one-stop medical na nag-o-offer ng Japanese standard health services providing a full line-up of comprehensive diagnostic tests and customizable screenings.
Matatagpuan ang kanilang clinic sa 8th and 23rd floor of Ore Central Building sa Bonifacio Global City sa Taguig at open from Mondays to Saturdays, 8 AM hanggang 5 PM.
תגובות