ni Eli San Miguel @K-Buzz | Sep. 26, 2024
Papasok na sa military si Jaehyun, miyembro ng K-pop boy band na NCT at unit nito na NCT 127. Inaasahan ang pagpasok ng 27-anyos na singer, bilang active duty soldier sa Nobyembre 4.
Matapos tapusin ang kanyang basic military training, siya ay magsisilbi sa Army Band. “NCT Jaehyun applied to the Army Band and received a notice of acceptance from the Military Manpower Administration today [Sept 26]. He will enlist as an active-duty soldier on November 4 and fulfill his military service obligation,” anunsiyo ng SM Entertainment ngayong Huwebes.
Ipinagpatuloy pa nito, “Since the day of his enlistment at the new recruit training center will be attended by many soldiers and their families, there will be no separate official event to prevent safety accidents due to the crowding on the site;” “Please continue to support and love Jaehyun until he completes his military service and returns in good health,” saad sa announcement.
Nag-debut si Jaehyun bilang singer noong 2016. Siya ang pangalawang miyembro ng NCT na mag-e-enlist, kasunod ni Taeyong na nagsimula ng kanyang serbisyong militar noong Abril at kasalukuyang nagsisilbi bilang miyembro ng Navy Band. Inaasahang madi-discharge si Jaehyun sa Mayo 3, 2026.
Comentarios