top of page
Search
BULGAR

JACKIE LOU, INIYAKAN ANG PAG-AMIN NG ANAK NA TIBO

ni Maricon Nolasco @Special Article | June 12, 2023




Tinanong ng King of Talk sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda ang aktres na si Jackie Lou Blanco kung ano ang naging reaksiyon niya nang umamin ang anak na si Rikki Mae na isa siyang lesbian.


Pagkukuwento ni Jackie Lou, "Well, I had a feeling na kasi. Siyempre, I think as parents, you wanna... parang baka naman hindi or baka naman... pero I had a feeling."


At isang araw daw ay bigla na lang lumapit ang anak dahil may gusto raw itong sabihin sa kanya.


Naisip daw agad ni Jackie Lou na siguro, 'yun na nga ang panahon na aamin na si Rikki Mae sa kanyang tunay na sekswalidad.


Hanggang sa dumating na nga ang anak, tapos may nakasunod daw ditong babae. Nanatiling nakatayo lang daw si Rikki Mae sa loob ng 15 minutes na walang sinasabi at tahimik lang.


Kaya nagsalita na ang aktres ng, "Rikki Mae, do you want Mama to tell you what I think you will tell me?"


Tapos, sumagot naman daw ang anak at dito na rin ito umamin na lesbian siya, "No, Mama. I have to do it, let me say it. Mama, I'm gay."


Sey ni Jackie Lou kay Rikki Mae, "I know."


Umamin din ang aktres na naiyak siya sa ginawang pag-amin ng anak sa kanya tungkol sa totoo nitong sekswalidad.


Masaya siya na nagkaroon ng lakas ng loob si Rikki Mae na sabihin sa kanya ang tunay nitong nararamdaman.


Dagdag pa ni Jackie Lou, sobrang proud siya sa kanyang anak dahil responsible raw ito at sobrang maalaga pa.


Ang heartfelt naman ng eksenang ‘yun sa pagitan ng mag-ina. Nakaka-happy na tanggap ni Jackie Lou kung ano ang tunay na sekswalidad ng kanyang anak na si Rikki Mae.


Sana, ganu’n din ang maging mindset ng ibang parents, as long as mabuting tao naman ang kanilang mga anak at walang tinatapakang tao ay tanggapin din nila nang buung-buo ang sexual preference ng mga ito.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page