ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 13, 2020
Inanunsiyo ng Johnson & Johnson ang pansamantalang paghinto ng kanilang COVID-19 vaccine candidate clinical trials matapos magkaroon ng “unexplained illness” ang isang study participant.
Pahayag ng J&J, "We have temporarily paused further dosing in all our COVID-19 vaccine candidate clinical trials, including the Phase 3 ENSEMBLE trial, due to an unexplained illness in a study participant."
Ayon sa J&J, ang serious adverse events (SAEs) ay "an expected part of any clinical study, especially large studies."
Inihinto ng naturang kumpanya ang trial upang alamin kung ang SAE ay may kaugnayan sa ginamit na COVID-19 vaccine.
Pansamantala ring itinigil ang online enrollment system para sa J&J Phase 3 trial na nagsimulang kumalap ng mga participants noong Setyembre. Layunin ng J&J na magkaroon ng 60,000 volunteers para sa naturang clinical trial.
Comments