top of page
Search
BULGAR

IZZY, 'DI TANGGAP ANG ANAK NA BADING, NA-BASH

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 16, 2023




Inulan ng batikos ang dating SexBomb dancer na si Izzy Trazona dahil sa kanyang pagkontra sa pagiging gay at drag queen ng anak niyang si Andrei.


Noong unang mag-come out ang kanyang anak sa tunay nitong gender ay okey lang kay Izzy. Pero nang maging open na si Andrei sa pagiging drag queen, hindi na niya ito nagustuhan pa.


'Yun ang dahilan kung bakit nagkaroon ng gap ang mag-ina ngayon. Medyo old-fashioned ang pamilya ni Izzy, kaya hindi madali para sa kanya na tanggapin na may anak siyang miyembro ng LGBTQIA+ community.


Marami namang young gays ang nakikisimpatya ngayon sa anak ni Izzy. Kapos daw sa pang-unawa at masyadong judgmental ang dating SexBomb dancer dahil wala naman daw dapat ikahiya sa pagkakaroon ng anak na gay, basta isa itong mabuting tao at hindi nagbibigay ng sakit ng ulo at problema sa magulang.


Sabi tuloy ng mga netizens, mabuti pa raw sina Ian Veneracion at Ricky Davao ay tinanggap ang pagiging lesbian ng kanilang mga anak.


Si Ian ay umamin on national television na lesbian ang kanyang only daughter na si Dids. Samantalang si Ricky ay very supportive sa anak niyang si Rikki Mae nang umamin ito na isa ring lesbian.


Katwiran nina Ian at Ricky, kung saan maligaya ang kanilang mga anak, tatanggapin nila kung ano ang sexual preference ng mga ito.


At sa panahon ngayon, tanggap na ng ating lipunan ang LGBTQIA+ community.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page