top of page

IZA, 'DI NANGHIHINAYANG NA 'DI NAKAPASOK SA MMFF ANG SRR EXTREME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 15, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 15, 2023



Balik-pelikula ang mahusay na aktres na si Iza Calzado matapos mamahinga for a while nang mabuntis at manganak sa first baby nila ng asawang si Ben Wintle.


Kasama si Iza sa horror film na Shake, Rattle & Roll Extreme na kaagad daw niyang tinanggap nang i-offer sa kanya kahit nga maliit pa ang kanyang baby na si Deia Amihan.


“Unang-una sa lahat, siyempre, Shake, Rattle & Roll siya. So, siyempre, malaking content ‘yun.


Parang ‘Uy, puwede’ kasi, ‘yun nga, like I said earlier, it is a strong franchise,” sey ni Iza sa grand mediacon ng SRR Extreme kahapon.


Pangalawa ay nu'ng sinabi raw sa kanya na isinulat ang kuwento ni Noreen Capili at ididirek ni Richard Somes, lalo pa raw naging appealing sa kanya ang offer.


At pangatlo, 6 days lang ang kanyang shooting days na napakaimportanteng factor sa kanya since may baby nga siya na kailangang alagaan.


“So I did it for myself, as an artist because I was also missing, you know, being on set. Pero not to the point na mako-compromise ko naman na matagal akong mawawala sa anak ko.


Parang it was a good compromise,” aniya.


Pero ang paggawa ng teleserye raw talaga ay hindi pa niya kay

a sa ngayon since wala pa ngang 1 year old ang kanyang baby.


Samantala, nasanay na nga ang mga tao na ipinapalabas ang SRR tuwing Kapaskuhan as part of the Metro Manila Film Festival. But this year ay mapapaaga ito and instead na Dec. 25 ay sa Nov. 29 na ito mapapanood sa mga sinehan.


When asked kung nanghihinayang ba siya na hindi nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2023 ang SRR, ayon kay Iza, naniniwala siyang kahit ano ang playdate ng movie ay sure siyang may manonood pa rin.


“Because malakas daw ang cultural impact ng Shake, Rattle & Roll kasi franchise na siya, eh,” aniya.


“At naniniwala rin ako na this is God’s decision for our film. With grace and gratitude, I think, this is the best playdate for Shake, Rattle & Roll,” dagdag niya.


Kaya wala raw panghihinayang sa kanya na hindi nakapasok ang film sa MMFF 2023.


Mapapanood si Iza sa Glitch episode ng SRR.


Ang dalawa pang episodes ay ang Rage at Mukbang. Aside from Richard Somes, ang dalawa pang direktor ay sina Jerrold Tarog at Joey de Guzman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page