top of page
Search
BULGAR

Iwas-COVID… Shake hands, beso-beso, free food, bawal sa kampanya


ni Lolet Abania | July 13, 2021


Anumang pagpapakita ng public display of affection (PDA) ay hindi papayagan sa panahon ng pangangampanya para sa 2022 elections sa gitna ng patuloy na panganib ng COVID-19, ayon sa Commission on Elections (Comelec).


Sa ginanap na forum ng House Committee on People’s Participation para sa 2022 elections, aminado si Comelec Spokesman James Jimenez na ang PDA ay bahagi na ng sistema ng pangangampanya sa bansa.


Kabilang dito ang pagkamay ng mga kandidato sa mga botante at maging ang paghalik nito sa mga beybi na nasa komunidad sa campaign period.


Subalit, ayon kay Jimenez sa panahon na may krisis ngayon sa kalusugan, ang ganitong gawain ay ipinagbabawal.


“Public displays of affection used to be part of the whole idea of campaigning, as they say. Politicians go out to shake hands and kiss babies. You’re not gonna be able to do that anymore ‘cause that will certainly be very risky behavior,” ani Jimenez sa forum ngayong Martes.


“That qualifies as a public display of affection and that will have to be strictly regulated,” dagdag niya.


Paliwanag naman ni Jimenez na ang mass gatherings ay hindi maaaring i-banned agad-agad sa darating na election season subalit kinakailangan ng paghihigpit sa panahon na ito.


Ang pamamahagi ng mga pagkain sa mga voters ay ipinagbabawal din.


“They will be smaller, they will be strictly controlled and in-rally behaviors would be different,” sabi ng opisyal.


“We will not be allowing food to be served at the mass gatherings anymore,” pahayag niya.


Ayon pa kay Jimenez, dapat ding mayroong koordinasyon sa mga barangay health system dahil ang sitwasyon sa ngayon ay naiiba kumpara sa mga nakaraang eleksiyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page