top of page
Search
BULGAR

Ivana, tikom ang bibig sa relasyon daw nila ni Mayor Benitez

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 7, 2024




Mainit na usapan ngayon ang latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" kung saan idinidikit ang pangalan ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa Bacolod City Mayor na si Albee Benitez.


Pumutok daw ang tsismis matapos na mahuli ang mayor ng Bacolod sa Japan kasama ang isang sexy at kilalang aktres.


Mas pinainit pa ito ng isang artikulo ng PEP matapos na ibuking na ngiti lang ang isinasagot ni Mayor Albee kapag tinatanong patungkol sa mga tsika.


Nilinaw naman ng misis ni Benitez na si Nikki Benitez na magkasama pa rin sila sa iisang tahanan at hindi pa sila annulled.


Dumagdag pa sa pulutan ng mga Marites ang naging pag-amin ng aktres kamakailan na meron siyang non-showbiz boyfriend at tumangging magbigay ng ibang impormasyon patungkol dito.


Sey tuloy ni Ogie Diaz, mas makakabuti kung magsasalita si Ivana patungkol sa mga tsismis dahil may nakapag-spluk sa kanyang nagpunta rin ng Bacolod ang aktres at namataan din daw ang dalawa sa Baguio.


Hirit ni Ogie, wala namang dahilan para pumasok si Ivana sa nasabing relasyon dahil maganda naman ang career ng dalaga.


Kasalukuyang walang inilalabas na pahayag ang aktres para linawin ang mga kumakalat na tsismis.

0 comments

Σχόλια


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page