top of page
Search

IVANA, IN-UNFOLLOW NG FANS DAHIL SA SUPORTA KAY VP LENI

BULGAR

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 13, 2022



Respeto ang hiling ni Ivana Alawi sa mga bashers after niyang manindigan sa kandidatura ni VP Leni Robredo.


Idinaan ni Ivana ang kanyang mensahe by posting sa kanyang Twitter account, recently.


“Respect is one of the greatest expressions of love,” tweet ni Ivana.


Tsika ng ibang followers ni Ivana sa Twitter, nabawasan ang sexy vlogger ng mga followers sa kanyang social media accounts.


“Wala kayong narinig kay Ivana na negative pero ano'ng ginawa n'yo, kinansel n'yo, in-unfollow.”


Isa si Ivana sa mga artista na may pinakamaraming followers sa Twitter at Instagram.


Habang ang kanyang YouTube channel naman ay pangalawa sa may pinakamaraming subscribers (14.1 M) sa Pilipinas, as of last year.


But as of this writing, umabot na sa 15.4 M ang YT subscribers ni Ivana.


Ayon pa sa mga netizens, “Du'n sa in-unfollow, nakita 'yung post ni Ivana 30 mins pa lang tungkol sa support n'ya kay VP Leni. 19.005 M followers niya turn .004, .003. It means nag-a-unfollow na 'yung iba, ngayon tumaas na.”


Duda ng mga netizens, BBM supporters ang mga nag-unfollow kay Ivana.


“May lumalabas na polls sa Facebook. You have to choose between Ivana and other artist/vloggers. Tapos ang mga comments, 'Pass, kakampink 'yan!' at 'Ayoko d'yan, Pinklawan 'yan!' 'Lutang din 'yan gaya ng Mama Leni n'ya! Nasa'n ang respect du'n!! Jusko.”


Pagsilip namin sa Twitter account ni Ivana, mukhang true nga na nabawasan ang kanyang followers, ha?


Nasa 5.2M ang followers ni Ivana at 7.9M naman sa Instagram. Mataas pa rin naman kung tutuusin, bagaman, laglag si Ivana sa Top 10 ng may pinakamaraming followers sa Instagram.


Umalma naman ang mga followers ni Ivana na BBM supporters. Sabi nila, hindi raw nila in-unfollow si Ivana.


“You're blaming us for that? Luhhhh... Mag-fact checking ka muna, idol. And Ivana is not like you all that's why we support her.”


“Ha, walang nag-cancel kay Ivana. 'Di ganu'n ugali namin. Kahit nga sina Angel at Melai, 'di ko ina-unfollow. Kayo 'yan. 'Yan ugali ninyo. Kasi mga entitled kayo. May pag-protest pa na akala mo ang lapit ng lamang.”


'Yun na!


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page