top of page
Search
BULGAR

Itlog, next sa sibuyas na may mala-gintong presyo

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | January 20, 2023


Matapos ang gintong presyo ng sibuyas, ngayon naman itlog! Juskoday! Sampung piso na ang kada piraso ng itlog! Bakit?


Eh, nakapagtataka dahil tumaas ang farmgate price ng itlog? Nasa P6.70 hanggang P7.20 pa rin ito kada piraso. So, ano'ng meron, bakit sumirit ang presyo? Hmmm…


Ayon sa ating mga friendship sa Department of Agriculture, sinisilip na nila kung bakit mataas ang presyo ng itlog. Sinabi naman ng Egg Board Association, na asahang tataas pa ang presyo ng itlog. Katwiran ng asosasyon, hindi nila kontroladong egg producers ang dikta sa presyuhan nito sa merkado.


Paliwanag nila, eh kapag tumaas ang kada piraso ng itlog na pumalo na sa P10 sa Metro Manila at sa amin sa Laoag, eh P13 kada piraso, marami na ang mag-aatubili na bumili at bababa ang presyo nito dahil hindi nila puwedeng iimbak ng matagal ang itlog dahil agad nasisira o nabubulok.


Ibebenta nila ito ng palugi sa mga trader at ang mga trader, hindi raw nila masisisi na gusto rin kumita, pero' yun nga lang ay may iba sa mga ito na talaga namang switik sa patong sa presyo… na siyang ugat ng pagtaas pa lalo ng pagmahal ng itlog.


Meaning, talagang nasa kamay ngayon ng mga trader ang manipulasyon sa presyuhan ng itlog!


Pero ang masaklap, mga frennie, sangkap ang itlog sa maraming pagkain at may domino effect ang pagsipa ng presyo niyan! Tataas ang presyo ng tinapay na gumagamit ng itlog, cake at iba pang pagkain.


Kaya naman, juskoLord, plis, plis, DA at DTI, pakiagapan ang sitwasyong ito bago pa lumala ang krisis sa itlog. Huwag ninyo gawing solusyon na naman ang importasyon, 'wag na wag! Boboldyakin ko na kayo kapag ginawa n'yo pa 'yan, nakalusot na naman kayo sa sibuyas ng importasyon, huwag na ang itlog, plis lang!


IMEEsolusyon bago pa matulad sa sibuyas na pang-mayaman na ang presyo, DA, pakisiguro ang supply niyan sa merkado maayos.


IMEEsolusyon sa mga poultry farmers na dumirekta na kaya kayo sa mga konsyumer o magbukas na kayo ng Kadiwa store para sa inyong produktong itlog, isama n'yo na rin ang mga manok! Para meron ding alternatibong pupuntahan ang mga konsyumer, bawasan ang pagbenta sa traders.


IMEEsolusyon naman sa panig ng DTI, na bantayan ang mga nag-o-overprice ng itlog, plis lang, trabahuhin n'yo na may kaukulang parusa o papanagutin naman ang mga abusadong negosyante!


IMEEsolusyon naman sa mga netizen na if keri ng lugar ninyo, eh mag-alaga na rin kayo ng manok sa inyong backyard, 'yung mga native na manok, paitlugin n'yo at paramihin n'yo para hindi na kayo bibili. Diskartehan n'yo na para iwas-gastos, di bah? Maging maparaan na tayo para maka-survive sa egg-flation na ito! Agree?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page