top of page
Search
BULGAR

Itinira raw sa Paris, nakipaghiwalay kay Anne… SIGAW NG KAMPO: 'DI TOTOONG MAY BABAE SI ERWAN

ni Ambet Nabus @Let's See | August 31, 2024


Showbiz News

Kumalat ang tsismis na naghiwalay na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff dahil bukod sa hindi napapanood si Anne sa noontime show nito ay naging busy din ito sa shooting ng kanyang movie.


Dagdag pa riyan ang napapadalas nitong paglabas-labas ng bansa at tila hindi masyadong pagiging active sa socmed (social media).


But the tsismis is not true, walang katotohanan ang mga tsikang may bagong babae si Erwan na itinira na nito ngayon sa Paris at nakipaghiwalay na ito kay Anne.


May mga wala lang talagang magawang netizens na nagkabit-kabit ng mga lumang isyu o blind item na nataon nga sa hindi masyadong pagiging active ng couple sa socmed.


Ayon pa nga sa isang napakalapit na tao kina Anne at Erwan na nakausap namin kamakailan, “Sila na siguro ang huling couple na maiisip mong maghihiwalay. At si Erwan na marahil ‘yung lalaki na kilala naming never kailanman mambababae.”


Siyempre, dahil biased at crush namin ang pagiging celebrity chef ng jowa ni Anne Curtis, 100% kaming um-agree. Hahahaha!


 

Nasa pangangalaga na ng Viva Artist Agency ang Olympic gymnast na si Levi Ruivivar.

At 18, nasa bucket list din pala ng magandang dalaga ang masubukan ang showbiz.


Gusto niyang magkaroon ng mga projects bilang model, endorser, and eventually ay ma-try ang TV and movies gaya ng kanyang mga parents na mga Hollywood artists.


Yes, ang parents niyang sina Anthony Ruivivar at Yvonne Jung ay mga kilalang artista sa Hollywood na nakagawa ng mga projects gaya ng Third Watch, Immanence, Turner & Hooch, Frequency at marami pang ibang TV series sa USA.


“We are here to support her in any way. She wants this but her being a gymnast will always take the first toll,” sey ng kanyang tatay na tubong-Visayas pala ang angkan.


Member ng kilalang Society of 7 ang ama ni Anthony kung saan kasama rito si Bert Nievera na naging family friend nila.


“Well, for now, they (Nievera family) are the only ones we know and are close with,” dagdag ni Anthony na soon ay wish din daw na makatrabaho rin nila si Levi.


Babalik ng USA si Levi to pursue her studies sa Stanford at bubusisiin ang training in preparation for her 2028 Olympics bid.


Pero kapag may mga agarang opportunities daw na ibibigay sa kanya ang Viva Entertainment, willing siya na i-adjust ang kanyang iskedyul at bumiyahe to and fro sa ‘Pinas at USA.


 

Kasalukuyan namang nasa Venice, Italy si Janine Gutierrez para sa exhibition ng Lav Diaz movie na Phantosmia, kung saan siya ang bida.


Ii-screen sa Venice International Film Festival ang movie at kahit non-competition ito, excited si Janine na i-represent ang bansa.


Matagal na raw niyang dream ang makadalo sa mga international film festivals kaya’t hindi niya pinalampas ang chance na ito.


Actually, mayroon pang mas naunang movie under Direk Lav na ginawa si Janine pero ito ngang Phantosmia ang mauuna. Malalim as usual ang tema ng movie pero ayon sa maganda at matalinong aktres, maraming mga eksenang relatable at mauunawaan ng ordinaryong manonood.


Samantala, kulay rosas ang paligid ngayon ni Janine dahil tila may namumuo ngang magandang samahan sa kanila ni Jericho Rosales, ang co-star niya sa latest TV series niya.


In fact, sa mga naglabasang photos during Mamita Pilita Corrales' 85th birthday bash, masayang makikita ang dalawa.


Yes, si Janine nga ang nag-invite kay Echo sa naturang party na sinasabing, “Only for close family members and kin.” 


Oh, ‘di ba, ganu’n na ka-close si Jericho Rosales sa family ni Janine Gutierrez.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page