DEDMA KAY DENNIS.
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 22, 2021
May post si Julia Barretto sa kanyang Instagram Stories na larawan ng kanyang lolo, ang father ng inang si Marjorie Barretto, nu’ng Father’s Day.
May picture rin siyang ipinost na kasama niya si Ian Veneracion, ang gumanap na tatay niya sa teleseryeng A Love to Last kung saan nagkasama rin sila roon ni Bea Alonzo na ex-GF ng kanyang BF ngayong si Gerald Anderson.
Ang sabi tuloy ng mga netizens, “Mabuti pa si Ian, kasama sa post, si Dennis (Padilla), wala.”
Si Dennis ang tunay na ama ni Julia. Never din niyang ginreet ng Happy Father’s Day ang ama sa kanyang post.
"Well-raised daughter."
“Never pang bumati.”
“Mabuti pa si Ian Veneracion, kasama ang picture sa post, si Dennis, wala....”
May nagsasabi namang hindi raw kasi naging good provider ang komedyanteng aktor.
“Nakakabuwisit naman kasi talaga 'yung ama. Panira. Hindi na nga good provider, wala pang ginawa kundi hilahin pababa (ang) mga anak.”
Isang netizen naman ang nagtanggol kay Dennis.
“We should not just comment like that. We do not know the real story. We don't even know what really happened to their father. What I know is he has a first family, sina Julia ay 2nd lang.”
“Galit pa rin kay Dennis. Haayst.”
“Lahat naman silang magkakapatid, walang post for their dad. Even the eldest, no post for Kier.”
“Sana, hindi na lang siya gumawa ng YouTube video with her dad, 'no? Tapos tinanggal pa niya. Tapos, ito pa. Masakit ito sa tatay, ha? Akala mo, okay kayo pero hindi naman pala…”
“I thought kinalimutan na ni Julia ang A Love to Last since kasama niya rin dito si Bea. Choz! Hahahahaha!”
“Infer naman kina Julia at nanay niya, hindi nila iniispluk 'yung details nu'ng mga ginawa ni Dennis. I'm sure though kung bilyonaryo si Dennis, greet pa rin siya sa pudra niya.”
“Ayaw nila kay Dennis kasi jologs, pa-class kasi sila!”
Payo naman ng isang commenter, marunong daw siya dapat magpatawad dahil tatay pa rin niya si Dennis.
“She is clearly adding insult to the injury. Injured na image n'ya, dinagdagan n'ya pa 'to. Kung wala ang tatay mo, wala ka rin sa mundong 'to. Sa totoo lang tayo. 'Di naman mamamatay-tao or durugista ang tatay mo para itakwil mo. Tatay mo pa rin 'yun. Matuto kang magpatawad.”
Comments