top of page
Search
BULGAR

It's Showtime, kaya biglang nilayasan… RUFA MAE, WALANG WORKING PERMIT, BALIK-USA

ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 23, 2024



Photo: Rufa Mae Quinto - IG


May natisod kaming tsika na kaya pala biglaang umalis si Rufa Mae Quinto sa It’s Showtime (IS) bilang isa sa mga resident judges sa Kalokalike ay dahil sa kinailangan nitong bumalik sa USA.


May isyu nga raw sa kanyang citizenship o working permit itong si Rufa Mae, bilang nakapag-asawa siya ng isang US citizen at nandu’n pa ang kanyang anak.


Na-alarma raw kasi ang dating kilalang sexy comedienne na baka bigla siyang hanapan ng ‘working permit’ dahil sa dami ng mga engagements niya sa showbiz.


Diumano, ‘yun ang naging pangunahing rason kung bakit kinailangan niyang bumalik sa Amerika bukod pa nga sa nandu’n ang kanyang pamilya.


Which brings us to asking kung ano na rin kaya ang status ng sinasabing pag-imbestiga kay Chloe San Jose, ang jowa ni Carlos Yulo, dahil isa rin itong Fil-foreigner na nakakapagtrabaho sa bansa nang dahil sa kasikatan ng jowa.


Last Monday kung kailan nag-perform ang team ni Meme Vice Ganda ay may nakapagsabi rin sa aming nandu’n si Chloe sa studio kasama ang jowang Olympian na isa sa mga big guests nina Meme Vice Ganda.


Hmmmm....


 

Sa latest interview ni Heart Evangelista sa GMA-7, nagbigay ito ng payo kay Pia Wurtzbach. 


Dahil sa napapadalas nga ang pagbabardagulan ng kanilang mga supporters, hindi maiiwasan na masangkot ang dalawa kahit sure naman tayong wala talaga silang isyu sa isa’t isa.


At dahil sa tinuran ni Heart na sana raw ay huwag mangyari kay Pia ang nangyari sa kanya at sa kanyang dating glam team na kay Miss Universe na ngayon, tiyak na pagpipiyestahan na naman ang dalawang fashion icons.


Sure rin namang may magre-react, kaya’t may aabangan na naman ang mga followers nila.


 

Hindi na namin tinapos basahin ang napakahaba na namang emote ni Kris Aquino sa kanyang socmed (social media) patungkol sa mga updates niya, lalo na ru’n sa parteng love life kuno at ang fake news na kasal nila.


Basta kami, sincerely ay nakikisama at nagdarasal para sa tuluyan niyang paggaling.

Since our kumare got back from her long stay abroad, hindi naman siya pumalya sa pagbibigay ng update. Maging ang anak niyang si Bimby na manang-mana sa kanya ang sense of humor ay hindi rin naman nagkukulang sa pag-update sa mga supporters o mga prayer warriors nila.


May mga sinasabing autoimmune disease pa rin ang kinakaharap ni Kris pero ang pinakapinangangambahan nga niya among the series of new tests na ginawa sa kanya ay ‘yung posibilidad na ‘namana’ niya ang kanser na dumapo sa kanyang ina.

We are still enjoining everyone to pray for her recovery.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page