ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 25, 2024
Photo: Vice Ganda - Instagram
Sa kainitan ng isyu kung tuluy-tuloy pa ring mapapanood ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime (IS) sa GMA-7 o hanggang Disyembre na lamang ng taong ‘to, pinasaya ni Vice Ganda ang mga staff ng programa sa isang announcement niya during the show last Saturday.
Nangako si Vice Ganda sa mga staff na pasasayahin niya ngayong Pasko ang mga ito kaya nagsigawan sa tuwa ang mga tao behind the camera ng IS.
Pahayag ni Vice, “‘Wag kayong mag-alala, sa pinakamamahal kong mga Kapamilya dito sa Showtime, hindi kayo maiiwan sa laylayan. Sisiguraduhin ko ‘yan.”
Nagbiro pa si Vice na hihingi siya ng tulong sa iba pang hosts ng IS para matiyak ang happiness ng mga staff.
Esplika ni Vice, “‘Yan ang mga nagpapakahirap para sa programang ‘to. Tayo, eh, umaarte-arte lang dito from 12 to 2:30 (afternoon), pero sila, hanggang gabi, hanggang madaling-araw. Kaya pramis, may bonus kayo sa ‘kin. May bonus sa ‘kin ang Showtime family natin.”
Nagduda tuloy ang ilang mga netizens na may kinalaman kaya ang isyung mawawala na sa Kapuso network ang IS ang announcement ni Vice Ganda para pasayahin ang staff ngayong Pasko?
Hmmm…
Hindi namin pinalampas ang pagkakataon na tapusin ang panonood ng pelikulang Idol: The April Boy Regino Story na pinangunahan ng baguhang aktor/singer na si John Arcenas.
Ang Idol ay biopic ng iconic singer na si April Boy Regino sa direksiyon ni Efren Reyes, Jr..
Una, gusto naming makita ang performance ni John sa Idol bilang si April Boy Regino.
Happy kami for John and finally, nabigyan na siya ng ganitong kalaking break. And we hope, magsunud-sunod na ang mga projects ni John.
In fairness to John, nakapag-deliver siya nang mabuti bilang si April at boses mismo ni John ang ginamit sa Idol.
Sayang lang at ‘di nakuha ang Idol as one of the entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
“Sa ‘kin po, okay naman po kung saan po mapunta ‘yung pelikula. Kasi siyempre, unang-una sa lahat, ipinasa-Diyos ko na kung saan mapunta, talagang naniniwala po akong may plano,” pahayag ni John.
Siyempre, may lungkot na naramdaman si John sa hindi pagkakapili sa Idol sa MMFF.
Sey niya, “Oo naman po, siyempre, malaking ano ‘yan.”
Napaaga ang pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan sa Nobyembre 27.
Samantala, alaga si John ng talent manager na si Tyron Escalante ng Tyrone Escalante Artist Management o TEAM.
Sey niya, “Actually po, naging inspirasyon s’ya sa ‘kin, lalo na nu’ng mapasok ako, tapos nakita ko ang mga kasama ko, Jane de Leon, Kelvin Miranda, Alexa Miro.
“Marami pong malalaki, kaya parang naging challenge s’ya sa ‘kin na kailangan, hindi ako basta-basta. Kasi ‘yung mga artista ni Sir Ty, eh, talagang mahuhusay.”
Unang pagbibidahan ni John ang IDOL: The April Boy Regino Story na mula sa Premiere WaterPlus Productions at executive producer na si Marynette Gamboa.
“Ang pinaka-challenging na eksena po sa ‘kin dito is ‘yung nagalit s’ya sa Diyos,” diin ni John.
Pahayag niya, “Nagkasakit na po s’ya, kasi grabe po ‘yung sakit n’ya, eh, tatlong sakit ‘yung nakuha n’ya, very, very emotional.
“Tapos, ‘yung preparation ko rin po du’n, nag-workshop po ako, nag-personal workshop pa rin po ako para sa gusto ko pong ma-achieve kung ano ‘yung gustong sabihin nu’ng eksena.”
Nasa pelikula rin si Kate Yalung bilang si Madelyn Regino na gumaganap bilang misis ng yumaong singer.
Comments