top of page
Search
BULGAR

“It’s more fun in the Philippines” Bakit masaya ang summer sa ‘Pinas?

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | March 12, 2023





Mabuhay! Malapit na ang tag-init. Ito ay isang magandang pagkakataon upang mag-relax at mag-unwind. Nagpaplano ka bang magbakasyon at iniisip na bumisita sa Pilipinas? Isa ka ba sa mga taong interesado na tuklasin kung bakit mas masaya ang summer sa Pilipinas? O iyong mga pusong Pinoy na gustong pumunta rito at makita kung gaano kasaya ang summer sa Pilipinas? Tara at tuklasin natin!

1. MAYAYAMANG KASAYSAYAN NA LUGAR.Matagal nang itinuturing ng iba’t ibang nasyonalidad ang Pilipinas bilang ‘top tourist destination’. Hindi nagkukulang ang bansa sa mga nakamamanghang beach at kaakit-akit na lokasyon para sa mga turista, ngunit itinatampok din ang kamangha-manghang kasaysayan at kultura ng bansa. Para bigyan ka ng sense of scale, ang Pilipinas ay sinakop ng mga Kastila sa loob ng 333 taon bago kinuha ng mga Amerikano sa loob ng halos 40 taon. Tinangka ng mga British, Hapon, at iba pang mga bansa na makuha ang lupain sa loob ng mga naturang taon. Ngayon, ang Pilipinas ay naging isang cultural melting pot, at ang mga makasaysayang lugar nito ay may mahalagang papel sa ekonomiya ng turista.


2. MAKAPIGIL-HININGANG BEACHES AT NATURAL WONDERS. Ang Pilipinas ay “heaven on earth” para sa mga scuba diver, marine at animal fanatics, at lahat ng gumagalang sa kalikasan. Ang Pilipinas, na matatagpuan sa Coral Triangle sa mundo, ay may pinakamalawak na coral, flora at fauna, marine, bird, at reptile species. Ayon sa isang siyentipikong pag-aaral, ipinagmamalaki ng bansa ang largest concentration ng mga hayop, halaman, at mga coral species sa bawat unit area sa mundo. Ang Pilipinas ay tinawag na ‘center of biodiversity.’


Ang mga international magazines ay madalas na niraranggo ang Pilipinas bilang may pinakamagagandang beach at isla sa buong mundo.


3. MASASAYANG EVENTS AT FESTIVAL CELEBRATIONS. Daan-daang makukulay at puno ng musika ang nangingibabaw sa summer ng Pilipinas. Tuwing piyesta, ang buong nayon ay nakasuot ng magagandang costumes, naglilitawang magagandang dekorasyon at ilaw, at hindi kumpleto ang summer sa Pilipinas kung wala ang mga native festivities na mas nakakapagdagdag sa ganda nito. Kasama sa mga summer festivities sa Pilipinas ang Panagbenga Festival, Holy Week Celebrations, Moriones, Pahiyas, Santacruzan atbp.


4. MASAYANG NIGHTLIFE AT SHOPPING PLACES. Ang bansa ay may lubos na active nightlife. Sa mga bar at nightclub, hinding-hindi ka magkukulang sa mga lugar para uminom at sumayaw. Maaari kang bumisita sa maraming club sa Metro Manila, Metro Cebu, at Metro Davao. Kung pagkukumparahin, ang nightlife sa mga tourist island ay mas tahimik, nakatuon sa mga beach bar, live performances at act.


Bukod pa rito, ang pag-shopping ay kaugalian sa Pilipinas. Ang bansa ay may malalaking mall na idinisenyo tulad ng maliliit na lungsod, kumpleto sa mga department shop, restaurant, ice rink, spa, at mga sinehan na tumutugon sa kasiyahan ng mga mamimili.


Sa katunayan, tatlo sa pinakamalaking retail mall sa mundo ang matatagpuan dito, kung saan kitang-kita ang SM Malls sa buong mundo.

5. MASASARAP NA FILIPINO CUISINES AT SUMMER FOODS. Ang Filipino cuisines ay isang pagdiriwang ng kultura at tradisyon sa sarili nito. Ang panahon ng tag-init lamang ang nagpapahintulot sa mga Pilipino na gumawa ng mga summer foods upang magamit ang kanilang talino at pagkamalikhain tulad ng halo-halo. Kabilang sa iba pang paborito ng Pilipino ang sago’t gulaman, sorbetes, ice candy, at ice crumble. Bukod pa rito, mayroon silang mga kakaibang street foods, kasama ang mga sikat na lutuin tulad ng sinigang, sisig, lechon, balut, at adobo.


6. HOSPITABLE AT FRIENDLY LOCALS. Ang Pilipinas ay higit pa sa isang tourist destination. Binibigay na nito ang lahat ng hinahanap ng isang traveler — kultura, kasaysayan, natural na kagandahan, at higit sa lahat, ang mga tao. Bilang resulta, maaari mo itong ituring na iyong tahanan Higit pa rito, kinikilala ang mga Pilipino bilang masayahin, mabait, hospitable, at matulungin. Tiyak na ipapadama nila sa iyo ang perpektong tahanan. Bilang maaari silang makipag-usap at maunawaan ang Ingles. Hindi ka rin nila huhusgahan. Nakakakita sila ng kasiyahan sa paglilingkod sa iba at tinuturing ka nila parang isang pamilya.


Sa kabuuan, hindi ka mauubusan ng mga bagay na gagawin sa Pilipinas, at hindi ka mapapagod sa pagtuklas ng mga bagong bagay. Bakit mas masaya ang summer sa Pilipinas? Ikaw lang ang makakapagsabi niyan. Okie?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page