top of page
Search
  • BULGAR

It hurts?! HEART, MATAGAL NANG TODO-DISPLEY NG BULGARI, SI PIA ANG KINUHANG ENDORSER

ni Nitz Miralles @Bida  | June 21, 2024



Bea Alozo - Dominic Roque

Proud ang mister ni Pia Wurtzbach na si Jeremy Jauncey sa pagiging newest Bulgari ambassadress ng asawa niyang beauty queen. Ipinost ni Pia ang photos niya wearing Bulgari’s jewelry at sey ng husband niya, “Killing it (smile emoji) I’m so proud of you baby. Always delivering.”


Kaya lang, may isyu sa mga bashers ni Pia sa pagiging Bulgari ambassadress niya dahil house ambassadress lang daw ito at hindi global ambassadress kasama sina Anne Hathaway, Lalisa, Priyanka Chopra, at Zendaya. 


Buwelta ng mga fans ni Pia, kahit ano pa ang itawag sa kanya, Bulgari ambassadress pa rin siya.


May nagsabi pa pala na fake news ang pagkapili kay Pia na Bulgari ambassadress, pero nang makumpirma ang balita, biglang dinelete ng basher ni Pia ang kanyang post.


Kinantiyawan siya ngayon ng mga fans.


Nagkakantiyawan din ang mga fans nina Pia at Heart dahil matagal na raw ginagamit ni Heart ang Bulgari jewelry, pero hindi siya kinuhang brand ambassadress. As if naman nakabawas ito sa stature ni Heart.


Anyway, dahil sa bagong achievement na ito ni Pia Wurtzbach, nagbabardagulan na naman ang mga fans nila ni Heart Evangelista. Masayang basahin ang bardagulan ng mga fans na kung minsan, sumosobra na at pati personal na buhay ng dalawa ay nadadamay. Bakit hindi na lang maging masaya ang mga fans sa kanilang achievements?


 

                                                          

MAY bago na namang ipapa-block screening ang mga fans ni Xian Lim but this time, hindi siya artista. Siya ang director ng Kuman Thong, ang horror movie na kinunan sa Thailand, ang tinatawag na “Land of the Scariest Asian Horror Films.”


Hindi pinabayaan si Xian ng kanyang mga fans sa showing ng movie niyang Playtime, nagpa-block screening sila at mas dodoblehin daw nila ang pagsuporta sa Kuman Thong dahil si Xian ang writer at director nito. 


Collab nina Xian at Iris Lee ang script ng movie at sana, hindi ito maging isyu sa ibang mga fans.


Ramdam na proud si Iris sa newest project ni Xian dahil ipinost niya sa kanyang Instagram (IG) ang parang script na nakasulat ang “Written by Xian Lim and Iris Lee” at “A film by Xian Lim.”


Anyway, nagpasalamat si Xian sa pa-block screening ng kanyang mga fans sa Playtime at may nakakatawa siyang pa-thank you. 


Sey ni Xian, “Thank you so much everyone! Maraming salamat for being with me throughout this journey. Your support means so much para sa ‘kin! Sana ‘wag po kayo magsawa sa pagsuporta sa ‘kin maski 15 years ko na kinakanta ang Eraserheads medley at pumapalakpak pa rin kayo.”


Sa July 3 na ang showing ng Kuman Thong na poster at trailer pa lang, nakakatakot na. Kasama sa cast ang sikat na Thai actor na si Max Nattapol at darating daw ito ng bansa to attend the premiere night na gaganapin before the showing of the said film. Sasamahan niya si Cindy Miranda at ang child star na si Althea Ruedas.


Excited na ang mga fans ni Xian sa premiere night dahil makikita raw nila si Iris na siguradong nandu’n dahil bukod sa co-writer siya ni Xian, siya rin ang creative consultant ng movie for Viva Films.


 

       

ANG ganda ng kitchen ng bagong bahay ni Carla Abellana, may pasilip siya sa parte na ‘yun ng kanyang bahay at sa caption na “Quiet afternoon in my kitchen,” ramdam na she’s at peace. Maganda na, malinis pa ang kitchen ng bahay ng aktres at siguradong pati buong bahay.


Waiting ang mga fans sa pa-house tour ni Carla dahil nga kitchen pa lang ang ipinasilip. 

Ang kanyang fur babies lang yata ang kasama ng aktres sa bahay, bukod sa kanyang househelps at dinadalaw lang siya ng mom niya at iba niyang relatives.


Motivation ni Carla ang bagong bahay, kaya ganado siyang magtrabaho dahil alam na ang uuwian niya ay isang maganda at pinaghirapan niyang maipatayong bahay.


Samantala, sa July 1 na nga ang premiere ng Widows’ War na pinagbibidahan nina Carla at Bea Alonzo kasama si Jean Garcia. Kahapon,June 20, nasa Lipa City, Batangas sina Carla, Rita Daniela, Juancho Trivino, at Benjamin Alves to promote the series. Si Zig Dulay ang director nito.


Balik tayo kay Carla, may mga bagong items sa kanyang carlaangeline_closet na for sale na karamihan ay brand new. Kabilang ang brand new Prada Re-Edition 2000 Black Crystal Bag na for sale for P99,000.                



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page