top of page

Isyu sa "Love the Philippines" campaign... DOT contractor, nagsalita na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2023
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason | July 2, 2023




Humingi ng paumanhin ang DDB Philippines, ang ahensyang kinontrata para sa paglulunsad ng bagong kampanya sa turismo ng bansa na "Love the Philippines," para sa "unfortunate oversight" hinggil sa pagsasama ng non-original stock footage sa isang audiovisual presentation, ngayong Linggo, Hulyo 2.


Sa isang pahayag, sinabi ng DDB Philippines na may buong responsibilidad ito matapos ang mga online post na umano'y gumamit ang AVP ng ilang clip mula sa subscription-based stock footage website na Storyblocks na hindi kinunan sa Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page