Ni Angela Fernando @News | September 19, 2024
Photo: United Nations General Assembly
Nagpahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules na kanilang tinitingnan ang pagsasampa ng resolusyon sa United Nations General Assembly (UNGA) upang tugunan ang patuloy na agresyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Nueva Ecija 2nd District Rep. Joseph Gilbert Violago, sa ngalan ng DFA, ang paliwanag nang tanungin ni OFW party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino tungkol sa posisyon ng ahensya sa mga rekomendasyong iharap ang isyu ukol sa mga kalupitan ng China laban sa mga Pinoy sa WPS.
Ayon sa kanya, naninindigan ang DFA na ang UNGA ay angkop na lugar para sa mga desisyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kaunlarang pantao na nakakaapekto sa kalagayan ng pangkabuuang sangkatauhan o 'humanity,' at hindi para sa mga pampolitikang debate.
Binibigyang-diin din ng mambabatas ang kahalagahan ng mapayapang pag-uusap sa pagtugon sa matagal nang isyu sa nasabing rehiyon.
Comentarios