top of page
Search
BULGAR

Istorya ng movie, pinalitan ni Direk Joel… CLAUDINE AT MARK ANTHONY, MASYONDA NA, TUMABA PA,

'DI NA BAGAY SA ROM-COM.


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 06, 2021



Kinontra ni Direk Joel Lamangan ang unang plano na isang rom-com movie ang pagsasamahan ng dating magka-love team na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Reunion movie 'yun kaya dapat daw ay maganda at may bigat ang istorya.

Katwiran ni Direk Joel ay mature nang pareho sina Claudine at Mark Anthony. Medyo nag-gain pa sila ng weight kaya hindi babagay kung rom-com ang kanilang gagawin.

Kaya, pinalitan ang istorya ng napapanahong tema na ang title ay Deception.


For sure, hindi na mahihirapan pa si Direk Lamangan dahil parehong magagaling na artista sina Claudine at Mark Anthony. Ngayon pa lang ay nag-aabang at kinikilig na ang mga fans sa kanilang reunion movie.


Pareho namang excited at masaya sina Claudine at Mark Anthony na makatrabahong muli ang isa't isa. Matagal na hindi sila nagkita at na-miss nang husto ni Claudine ang kanyang ex-boyfriend.


Gustong makita ng mga televiewers kung may kilig pa rin sa publiko ang tambalang Claudine-Mark Anthony.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page