ni Imee Marcos - @Buking | August 10, 2020
Namumuro na ang Department of Health sa istilo nitong puro na lang palusot! Nakakaimbyerna’t nakakaloka na!
Sa tagal ng pamiminsala ng COVID -19 pandemic, mga besh, tila iisa ang sayaw ng DOH kapag napag-uusapan ang bilang ng tinatamaan ng virus. Napa-flatten na raw ang curve?! Juskoday, bakit ba hindi amining mas dumami ang may virus lalo na sa hanay ng mga health workers?
Pakonsuwelo-de-bobo ang report ng DOH na kesyo 90 porsiyento raw ng health care workers ang naka-recover mula sa virus. Eh, kita namang palusot ‘yan sa dami ng health workers na may virus. Porke dumami ang nakarekober, eh, pantakip na ito sa mga tinatamaan ng virus? Ano ba?
Eh, ‘di ba, mga besh, nito lamang Abril ay idineklara ng World Health Organization ang ‘Pinas bilang “outlier” o pinakamalala sa dami ng mga kaso ng impeksiyon sa mga health care workers? At ngayon, tayo na ang pinakamataas ang bilang sa Southeast Asia, tinalbugan na natin ang Indonesia!
Base sa tala, ang China kung saan nagmula ang virus ay nasa 2% hanggang 3% lang ang kabuuang kaso, gayung sa ‘Pinas 13% at sa datos ng DOH nitong Hunyo ang nagsabi na umakyat pa sa 15% ang infection rate sa ating health care workers.
Dapat atupagin ng DOH paano maisasalba ang ating mga health workers, ‘di ba, mga frennie? Kaya sa Senado mega-push tayo sa Senate Bill 1644 para awtomatikong magkaroon ang mga healthcare worker ng P10, 000 na allowance at hazard pay na katumbas ng 25% ng kanilang sahod sa panahong may pandemya o public health emergency.
Sa ilalim nitong Healthcare Frontline Workers Welfare Act, push din natin libreng surgical face masks at personal protective equipment (PPE), free testing at bakuna. Itinulak din natin ang Anti-Coronavirus 2019 Discrimination Act, para naman hindi sila ma-discriminate, ‘di ba?!
One more thing, mga friendship, dapat bumuo ng permanent medical reserve corps ang bansa na back up ng mga healthcare frontliners.
Comments