top of page
Search
BULGAR

Israeli hospital magtuturok ng ika-apat na COVID-19 vaccine shot sa mga staff bilang trial

ni Jasmin Joy Evangelista | December 27, 2021



Nakatakdang magbigay ng ika-apat na dose ng COVID-19 vaccine ang isang Israeli hospital sa 150 staff nito bilang trial upang makita kung gaano kaepektibo ang pagtuturok ng dalawang booster.


Ayon sa Sheba Medical Center, magbibigay-linaw ang trial na kanilang gagawin hinggil sa pagiging epektibo ng fourth dose at upang matulungan ang decision-makers na mag-set ng health policy sa Israel at iba pang bansa.


Nakapagtala na ang Israel ng 1,118 confirmed cases ng Omicron variant, kung saan dumodoble pa ito kada dalawang araw.


Nirekomenda ng Health Ministry panel of experts ang pagbibigay ng fourth dose ng Pfizer BioNTech vaccine sa mga Israeli na nasa edad 60 pataas na nakatanggap na ng booster shot at least 4 months ago.


Ngunit ang final approval ng ministry's director-general ay nananatiling pending dahil sa public debate kung talagang kinakailangan ang pagbibigay ng karagdagang booster shot.


Sa ngayon ay wala pang sinasabi ang Sheba Medical Center kung gaano katagal ang kanilang trial.


"We will examine the fourth dose's effect on the level of antibodies and morbidity and we will gauge its safety," ani Gili Regev-Yochay, ang director ng pag-aaral. "We will understand whether it is worthwhile to administer a fourth shot, and to whom."


Ang 150 Sheba medical workers na kaisa sa trial, kung saan sinabi ng ospital na pinayagan ng Health Ministry, ay nakatanggap ng booster shots nang hindi lalagpas noong Agosto 20.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page