ni Jasmin Joy Evangelista | November 24, 2021
Sinimulan na ng Israel ang pagbibigay ng Pfizer BioNTech COVID vaccine sa mga batang edad 5-11.
Nagsimulang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa naturang bansa nitong Setyembre ngunit nitong nakaraang dalawang linggo ay nagsimula na naman itong tumaas at patuloy pang kumakalat.
Karamihan din sa mga tinatamaan ng virus ay mga batang nasa edad 11 pababa kaya pinaiigting ng kanilang gobyerno ang pagbibigay ng bakuna sa mga kabataan.
Inaasahan ng Israeli government na matuturukan nila ng COVID-19 vaccines ang 1.2 milyong populasyon na mga batang may edad 5-12.
Comments