top of page
Search
BULGAR

Israel, nagbantang aatakihin ang mga ambulansya sa Lebanon

ni Angela Fernando @Overseas News | Oct. 13, 2024



Photo: Circulated / AP


Nagbanta ang hukbong sandatahan ng Israel na papuputukan ang mga ambulansya sa southern Lebanon, dahil sa sinasabing maling paggamit ng Hezbollah dito. Kasabay nito, nag-utos din ang Israel na lumikas ang mas marami pang mga baryo sa rehiyon.


Sumunod ang kanilang babala matapos tamaan ng puwersa nila ang mga posisyon ng United Nations Interim Force in Lebanon (UNIFIL), na nagresulta sa pagkasugat ng ilang mga peacekeepers.


Matatandaang inakusahan kamakailan ng tagapagsalita ng hukbong sandatahan ng Israel na si Avichay Adraee na ginagamit ng Hezbollah ang mga ambulansya para maglipat ng mga tauhan at armas ngunit hindi siya nagbigay ng anumang ebidensya upang patunayan ang akusasyon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page