ni Angela Fernando @World News | Oct. 29, 2024
Photo File: UN humanitarian / Aid truck sa UN storage facility - Reuters / Mohammed Salem
Nagpasa ang parliament ng Israel ng batas nu'ng Lunes upang ipagbawal ang ahensya ng UN na United Nations Relief and Works Agency (UNRWA) na mag-operate sa loob ng bansa, na nagdulot ng pangamba sa ilan sa mga kaalyado ng Israel mula sa west na natatakot na mas lumala ang kasalukuyang sitwasyon ng humanitarian sa Gaza.
Binigyang-diin ng mga opisyal ng Israel ang pagkakasangkot ng ilan sa mga tauhan ng UNRWA sa pag-atake nu'ng Oktubre 7, 2023, sa southern Israel, at ang pagiging miyembro ng ilang tauhan nito sa Hamas at iba pang mga armadong grupo.
"UNRWA workers involved in terrorist activities against Israel must be held accountable," saad ni Prime Minister Benjamin Netanyahu. Samantala, nagsalita ang lider ng UNRWA, na si Philippe Lazzarini, na ang pagboto ay salungat sa U.N. charter at lumalabag sa batas internasyonal.
"This is the latest in the ongoing campaign to discredit UNRWA and delegitimize its role towards providing human-development assistance and services to #Palestine Refugees," sinabi niya sa social media platform na X.
תגובות