ni Eli San Miguel @World News | June 3, 2024
Iniulat ng state media na ilang tao ang namatay sa isang air attack ng Israel malapit sa Aleppo, Syria, nitong Lunes, na nagmamarka ng ikalawang pag-atake sa loob lamang ng isang linggo.
Inihayag ng isang source na dahil sa mga pag-atake bandang alas-12:20 ng madaling-araw, nagkaroon ng ilang pagkamatay at ilang pinsala, ngunit hindi na nagbigay ng karagdagan pang detalye.
Noong ika-29 ng Mayo, inatake ng Israel ang sentral na rehiyon ng Syria at ang lungsod ng Baniyas, na nagdulot ng pagkasawi ng isang bata at nasugatan ang sampung sibilyan, ayon sa Syrian state media.
Sa loob ng ilang mga taon, umaatake ang Israel sa mga lugar sa Syria na konektado sa Iran, habang lumalaki ang impluwensiya ng Tehran simula nang suportahan nito si Presidente Bashar al-Assad sa digmaang sibil na nagsimula noong 2011.
Comentários