ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 26, 2025
PARANG INAMIN NI BERSAMIN NA MAY MGA BLANGKO NGA SA MGA SECTION NG 2025 GAA DAHIL MASYADONG DEFENSIVE -- Sinabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin na kung may kukuwestiyon daw sa Supreme Court (SC) tungkol sa mga sinasabing blangkong sections sa pinirmahang 2025 General Appropriations Act (GAA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay wala raw pananagutan dito ang Presidente at ang Malacanang.
Kumbaga, parang inamin na rin ni ES Bersamin na may mga blangko nga sa 2025 GAA, kasi masyado siyang defensive, period!
XXX
RATING NG SENADO AT KAMARA, BAGSAK, PRO-MARCOS SENATORS AND
CONGRESSMEN MGA PABIDA LANG -- Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) ay parehong bumagsak ang rating ng Senado at Kamara.
Pulos kasi pabida ang ginagawa ng pro-Marcos senators at congressmen, kaya ‘yan ang resulta, bagsak ang rating ng Senado at Kamara, boom!
XXX
MAY ‘TULOG’ SA KANILANG MGA KALABAN ANG MGA ALKALDE SA METRO MANILA NA HINDI MAGANDA ANG PERFORMANCE -- Pasok sa top 10 performing mayor ng Social Pulse Philippines sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Pasig City Mayor Vico Sotto, Pasay City Emi Calixto-Rubiano, Manila Mayor Honey Lacuna, Makati City Mayor Abby Binay, Valenzuela City Wes Gatchalian, Paranaque City Mayor Eric Olivarez, Navotas City Mayor John Rey Tiangco, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at Marikina City Mayor Marcy Teodoro.
Kaya ‘yung ibang mayor sa Metro Manila na hindi nasama sa top 10 performing mayor, may ‘tulog’ ang mga ‘yan sa kanilang mga kalaban sa pagka-mayor, kasi kung pagbabasehan ang survey na ito ng Social Pulse Philippines, hindi kagandahan ang kanilang performance o hindi pala sila performing mayor, period!
XXX
ISRAEL AT HAMAS SA PALESTINE ANG DAPAT PINURI NI ROMUALDEZ, HINDI SI PBBM -- Pinuri ni Speaker Martin Romualdez si PBBM sa pagkakalaya ng 17 Pinoy seamen na binihag ng mga Houthi terrorists sa Yemen.
Teka, bakit si PBBM ang pinuri ni Romualdez, eh, ano bang nagawa ng Marcos admin para palayain ang mga kababayan natin na hinostage?
Ang nais nating ipunto rito, dapat ang purihin ni Romualdez ay ang Israel at Hamas sa Palestine, kasi kung hindi sila nagdeklara ng ceasefire, malamang hindi pa palalayain ng mga Houthi terrorists ang mga Pinoy seaman, boom!
Comments