ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 17, 2025
Nagkasundo na ang Israel at Hamas.
Natigil na ang madugong digmaan.
-----$$$--
Taliwas sa Israel at Hamas, hindi pa nagkakasundo sina PBBM at VP Sara.
Wala sanang civil war na maganap.
----$$$--
INARESTO ang dating pangulo ng South Korea na nagtangkang ideklara ang Martial Law.
Hindi rin sana ito masaksihan sa Pilipinas.
-----$$$--
NAGPAPALITAN ng malalakas na missile at drone ang Russia at Ukraine.
Totoo po, walang nananalo sa digmaan.
-----$$$--
HINDI pa naapula ang wild fire sa California.
Huwag sanang matulad ang Baguio City sa naturang trahedya.
-----$$$---
NAAKSAYA ang mga naimprentang balota dahil ipinabalik ng Korte Suprema ang mga pangalan ng kandidato na binasted ng Comelec.
Sino ang engot?
----$$$--
NANANATILING balwarte ni VP Sara ang Mindanao at Visayas.
Walang nabago, mas tumatag pa.
----$$$--
HINDI kailanman, puwedeng makopo ng taga-VisMin ang boto ng Luzon.
‘Yan ang makatotohanang pagtaya.
----$$$--
SAKALING kumandidato ni VP Sara bilang pangulo, kailangan lamang niya ay huwag “maiwanan o matambakan” ng kalaban sa Balance Luzon.
Ganu’n lang kasimple.
----$$$--
WALANG matibay na kalaban si VP Sara sa pagka-presidente na magmumula sa Luzon.
Isipin ninyong mabuti ‘yan.
----$$$--
ANG mga negatibong ulat laban sa pamilya Duterte ay hindi naman bago.
Anumang atake sa isang pulitiko — ay maituturing na black propaganda — may ebidensya man o wala.
----$$$--
ANG black propaganda ay mas nakakatulong sa inatake — dahil nananatiling “popular” o napag-uusapan ang kanyang pangalan.
Kumbaga sa showbiz, negative news ay nananatiling publisidad.
-----$$$--
BILYUNG-BILYONG piso ang katumbas ng “name recall media blitz” -- at ito ay inilibre ng mga kalaban ni VP Sara.
May negatibong epekto lamang ang black propaganda kapag hindi ito maayos na nasagot ng inaakusahan.
-----$$$--
ANG black propaganda kapag nasagot nang maayos at malinaw, ito ay naiko-convert tungo sa “good publicity”.
Kumbaga, kapag dispalinghado ang diskarte, nagbo-boomerang ang paninira sa isang kandidato.
-----$$$--
NAPAKALAYO pa ng 2028 — at kahit sa boxing, maaaring maka-recover ang boksingero kahit ma-knockout sa 2nd o third round.
Epektibo lang ang knockout punch kapag ito ay pinakawalan at tumama sa last round ng bakbakan.
-----$$$---
ANG pagkapanalo ni EX-PRRD noong 2026 — ay dahil na-knockout si ex-VP Binay sa mga huling round ng kampanya.
Pero, dahil masyadong mahina — ang manok ng Liberal Party, nakalusot ang isang dark horse.
----$$$--
SA aktuwal, nagtagumpay ang LP sa pagwasak kay Binay at naipanalo bilang bise presidente si ex-VP Leni.
Pero, dahil hindi pang-derby ang kaliskis ng tandang, nakatsamba ang taga-Mindanao.
-----$$$--
NGAYON, nagtataka tayo, bakit walang lumabas na resulta ng presidential survey.
Ang labanan ay nasa senatorial race, pero ang inuupakan agad ay ang pang-presidentiable.
Anubayannn?
-----$$$---
NAGLABAS na ng tubig ang umaapaw na Angat Dam.
Hindi ba puwedeng i-export ang tubig sa Angat paluwas ng California?
-----$$$--
DAPAT ay panahon na ng tag-init ngayon, pero nilinaw ng PAGASA na umiiral ang La Nina.
Nagkaletse-letse na ang klima.
-----$$$---
WALANG nakakapansin, may epidemya na ng pagkaadik sa online gaming.
Tahimik lang ang Malacañang.
----$$$--
NAUUBOS ang cash gift mula sa pamahalaan dahil sa talamak na online gambling na may bendisyon daw ng gobyerno.
Imoralidad ito na tila kinukunsinti ng pamahalaan.
-----$$$--
HINDI maawat ang pananakop ng artificial intelligence sa lahat ng sektor.
Ereng mga policy makers, nakatulala lang.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.
Comentarios