top of page
Search

Isolation facility sa bawat Bgy. sa Bulacan, sinimulan na

BULGAR

ni Twincle Esquierdo | December 11, 2020



Sinimulan na ng local government unit (LGU) ng Baliwag, Bulacan ang pagkakaroon ng sariling isolation facility sa 27 barangay dahil nahihirapan na umano ang municipality na i-accommodate ang lahat ng nagkakaroon ng COVID-19 sa nasabing lugar.


"Nahihirapan po kasi ang municipality na i-accommodate lahat, so we see to it na dapat magkaroon ang bawat barangay," sabi ni Dr. Dave Legazpi, rural health physician sa Baliwag.


Nagbigay din ang lokal na pamahalaan ng mga personal protective equipment (PPE) para sa mga health workers, ngunit aminado sila na hindi lahat ay mabibigyan nito, ayon kay Dr. Joseph Paul Cruzcosa na mula sa Gregorio del Pilar District Hospital sa Bulacan.


Aniya, "Malaking bagay po 'yan. Ang supply chain natin, hindi naman ganoon kaperpekto, unlike sa ibang bansa, umaasa pa rin tayo sa bigay." Kahit mababa ang kaso ng COVID-19 sa Bulacan at maging sa Nueva Ecija, maingat at mahigpit ang medical frontliners sa pag-aasikaso sa mga pasyente.


"Continuous po ang kailangan namin na proteksiyon," sabi ni Dr. August Abuelda Jr. ng Eduardo L. Joson Memorial Hospital.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page