top of page
Search
BULGAR

Isolation at treatment facility sa Candelaria, Quezon, bubuksan na

ni Lolet Abania | August 30, 2020




Nakatakdang magbukas ang isolation at treatment facility bilang tugon sa paglaban sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus o covid-19 sa Candelaria, Quezon sa Lunes, August 31.


Sa tulong ng Rural Health Unit at MDRRMO, naipatayo ng lokal na pamahalaan ng Candelaria ang isolation at treatment facility.


Ayon kay Mayor Macario Boongaling, ilalaan sa mga asymptomatic na pasyente ng lalawigan ang naturang pasilidad. Layon nitong maiwasan ang hawaan sa mga infected at upang dito na rin magpapagaling ang mga tinamaan ng virus.


Gayundin, magtatalaga ng mga doktor, nurse at midwife sa naturang pasilidad upang mag-alaga sa mga pasyente. Sa ngayon, kayang tumanggap ng 24 patients ang isolation facility. May karagdagang unit na itatayo sa susunod na kay buwan.


Tumaas ang kaso ng coronavirus matapos na magkaroon ng contact tracing, kung saan lumabas na nakuha ng mga nakasalamuha sa mga nagpositibo sa test sa covid-19. Nagsasagawa na ang lokal na pamahalaan ng libreng swab testing sa mga residente, ayon kay Boongaling.


Samantala, umabot na sa 1,010 ang bilang ng kumpirmadong kaso, na mayroong 582 ang gumaling at 34 ang namatay sa Quezon.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page