ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Oct. 24, 2024
Hi, Iskulmate! Ramdam din ba sa lugar ang n’yo ang hagupit ng Bagyong Kristine?
Knows namin na maraming klase ang na-suspend dahil sa pananalasa ng bagyong ito. At kapag narinig na ang balitang “Walang Pasok!”, automatic na ang celebration mode ng mga students like you.
Parang may magic ang salitang ‘suspension’—bigla kang nagkakaroon ng extra tulog, extra oras para mag-Netflix, at siyempre, extra time para sa mga bagay na hindi mo nagagawa kapag regular ang pasok.
Pero wait lang, mga ka-Iskulmate! Ang suspension ay hindi license para kalimutan na ang school responsibilities at mag-full-time vacation. Kung may bagyong parating, may iba’t ibang eksenang dapat paghandaan—mula sa pagkawala ng kuryente hanggang sa online class na hindi mo inaasahan!
Kaya, bago ka mag-relax at mag-enjoy, may mga ilang paalala na dapat tandaan para hindi ka rin mag-flood sa stress pagbalik ng regular classes.
Tara, samahan mo ako sa mga practical na survival guide ngayong suspended ang klase.
1. GAWIN ANG DAPAT GAWIN. Oo, wala kang pasok, pero ‘wag kalimutan na may mga assignments pa ring dapat tapusin. Kung nagbabadyang bumaha sa labas, baka bumaha rin ng projects, quizzes, at modules. Kaya take this time para mas maagang tapusin ang mga gawain—at hindi puro last-minute cram. Oki?
2. CHARGE, CHARGE, CHARGE! Kapag bumuhos na ang ulan, madalas kasunod nito ay brownout. Huwag magulat na baka biglang mag-bye ang kuryente. Bago pa man magbagsakan ang ulan at kidlat, i-charge na ang iyong gadgets. At hindi lang ‘yan, pati na rin ang power banks. Hindi mo naman gustong ma-stranded na walang kuryente at walang panlaban sa boredom, ‘di ba?
3. FLOOD-PROOF ANG REVIEW MATERIALS. Kapag nag-suspend ng klase, hindi ibig sabihin na tanggal na rin ang exams. Kaya kung maulan, siguraduhing hindi mababasa ang mga reviewers mo. I-save sila sa cloud storage o sa mga app tulad ng Google Drive. Hindi na uso ang “Binaha po ‘yung notes ko, kaya hindi ako nakapag-aral” excuse.
4. UNEXPECTED ONLINE CLASSES. ‘Wag magulat kung biglang mag-decide si teacher na ituloy ang lesson online. Yes, hindi mo sila matatakasan! Kaya kahit stormy weather, ready dapat ang Zoom app mo.
Pro tip: i-check kung okay ang connection. At kung bumaha ng assignments sa group chat, “seen” ka na agad para ‘di ka mapag-iwanan.
5. “NETFLIX AND CHILL” RESPONSIBLY. Madalas itong motto ng mga estudyante kapag walang pasok. Pero alalahanin, walang masama sa pagre-relax. Minsan, kailangan din ng brain mo ng pahinga. Just remember, ang rest day ay hindi all-day marathon ng Korean dramas o movies. Balance lang—review muna ng konti, binge-watch pagkatapos.
6. KONTING HOUSEWORK, KONTING SIPAG. Siyempre, hindi naman araw-araw suspendido ang klase. Kung natapos mo na ang assignments at modules, tulungan si nanay at tatay sa gawaing bahay. Ang pagtulong sa paghugas ng pinggan o paglilinis ng bahay ay malaking bagay. Plus points ka pa sa kanila!
7. STAY SAFE AND UPDATED. Seryoso man ang survival list na ito, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang iyong kaligtasan. Laging i-monitor ang balita tungkol sa lagay ng panahon. Huwag nang lumabas kung ‘di naman kailangan. Kung nasa mababang lugar, siguraduhing handa ang mga bagay na kailangan sakaling kailanganing lumikas.
8. MENTAL HEALTH BREAK. Bagyo man o hindi, mahalaga ang mental health. Kung ang stress sa school ay halos bumaha na rin, gamitin ang pagkakataong ito para mag-unwind. Mag-meditate, magbasa ng libro, o simpleng pumikit at huminga. Kailangan mo rin ito para maging handa ulit sa susunod na pasok.
9. POST-WEATHER REFLECTIONS: HUWAG SAYANGIN ANG LIBRENG ARAW. Kapag natapos na ang bagyo, tanungin ang sarili: "Ano ang nagawa ko ngayong walang pasok?" Kung ang sagot ay puro tulog at nood, walang masama, pero sana naisingit mo rin ang pagiging productive. Gawing fruitful ang bawat suspension day para sa sarili mong growth!
At the end of the day, ang bagyo at suspended classes ay hindi laging tungkol sa pahinga lang. Isang magandang pagkakataon din ito para sa time management, productivity, at tamang balance sa buhay.
Sure, masarap magpahinga, mag-movie marathon, o maglaro ng games, pero sa bawat ulan at baha, nariyan din ang mga gawain at deadlines na hindi dapat kalimutan.
Gawing productive ang araw, planuhin ang susunod na hakbang, at kung natapos mo
na ang lahat, go ahead—enjoy the break! Tandaan, hindi lahat ng suspension ay dapat sayangin, puwede rin itong maging perfect balance ng work at play.
Enjoy the rain, but don’t let it wash away your responsibilities. Stay safe and dry, Iskulmate!
Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa
eskuwelahan.
So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.
Comments