top of page
Search
BULGAR

Iskul Scoop: Para ‘di mabiktima ng misinformation… 7 must-know websites na dapat gamitin

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Nov. 14, 2024



Iskul Scoop

Gahol ka na rin ba sa mga nag-uumapaw na assignment at hindi mo na alam kung paano ka magsisimula? 


Saan nga ba talaga tayo puwedeng kumuha ng tamang impormasyon na hindi magpapagulo sa ating utak?



Sa dami ng puwede nating mapagkukunang impormasyon ngayon, mula sa classic na mga libro hanggang sa nakakawindang na social media feeds, medyo nakakalito na kung alin ang reliable. 


Kaya ngayon, alamin natin ang iba’t ibang source na makakatulong sa atin. Let’s go, Iskulmates!  

  1. GOOGLE. Kapag may tanong at confuse ka sa isang bagay, for sure na dumederetso ka agad kay Google, hindi ba? Pero paano nga ba dapat ito gamitin?

Tip: Huwag agad i-click ang unang link na makikita, bagkus maghanap muna ng mga website na mapagkakatiwalaan, tulad ng mga .edu at .gov.

Reminder, “Google knows a lot, but it doesn't always know what's right!”

  1. LIBRARY. Hindi luma ang library; marami itong lihim na kayamanang impormasyon.

Bukod sa libro, may mga journal at archive rito na hindi mo basta-basta makikita online.

Tip: Magtanong sa librarian, dahil siya ang tunay na “search engine” ng library. Mas mainam na magtanong kesa na masayang pa ang inyong oras sa paghahanap. Oki?

Reminder,“Kapag libro ang ginamit mo, parang nakatanggap ka na rin ng 100 bonus points sa reliability ng info mo!”

  1. YOUTUBE AT EDUCATION VLOGS. Yes, pati YouTube ay puwede na ring pagkuhanan ng learning materials.

May mga channels na sobrang informative, educational, at madaling intindihin. Pero ‘di lahat ng makikita rito ay tama, kaya mag-ingat sa pinipili, Iskulmates!

Tip: Hanapin ang mga channel na may professional background sa topic. Oki?

Reminder, “If they say it with confidence, it doesn’t always mean it’s accurate!”

  1. ONLINE ACADEMIC DATABASES. Kung hirap ka na mag-research, agad na tumakbo sa mga database tulad ng Google Scholar, JSTOR, o ScienceDirect. Marami kang makikitang research papers at mga pagsusuring gawa ng mga professional.

Tip: Mag-log in sa library account mo para maka-access ka nang libre. Minsan kasi, kailangan pa ng subscription para sa mga ganitong sources.

Reminder, “Kung gusto mo ng legit na reference, hindi ka matutulungan ni Mr. Wikipedia. Kaya tumakbo ka na sa JSTOR o Scholar!” Oki?

  1. DICTIONARY AT ENCYCLOPEDIA. Old-school man pakinggan, pero classic talaga sila sa pagbibigay ng foundation ng knowledge sa mga topic.

Tip: Huwag matakot magtanong kay “Oxford” o kay “Britannica.” Dahil sila ang tunay na MVP pagdating sa mga accurate definition at background.Reminder, “Hindi porke luma ay out-of-date na, minsan ang classic ang key para sa tamang impormasyon.”

  1. SOCIAL MEDIA AT ONLINE FORUMS. Maraming current events at real-life perspectives ang makikita mo sa Facebook, Reddit, o Twitter, lalo na kung opinion o recent trends ang topic mo. Pero delikado rin dahil minsan masyadong opinionated at hindi based on facts.

Tip: I-double check ang sources ng mga impormasyon at maghanap ka na rin fact-check article.

Reminder, “Trust but verify! Baka fake news na pala ‘yun.”

  1. SURVEY AT INTERVIEW. Bakit hindi mo subukan gumawa ng sarili mong survey o interview? 


Kapag ikaw mismo ang nagtanong sa mga tao, nakasisiguro ka sa source ng info mo.

Tip: Maghanda ng maayos na questionnaire para malinaw ang makukuha mong data. Pumili rin ng mga tao na may alam sa iyong topic.

Reminder, “Ang pinaka-accurate ay ang impormasyong ikaw mismo ang nakakuha!”


At iyan ang ilan sa power sources na puwedeng pagkuhanan ng impormasyon para sa iyong assignment! Remember Iskulmate, sa paghahanap ng tamang impormasyon, kailangan ng tiyaga, konting creativity, at siyempre, tamang pagsala ng source. 


Huwag matakot magtanong, at higit sa lahat, huwag magmadali. 


Anuman ang gamitin mong source, ‘wag kalimutang i-cite! Bawat impormasyon ay kailangan mong i-acknowledge kung kanino galing, para walang plagiarism drama. Gets??


Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na maghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan. 


 

So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.

0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page