top of page
Search
BULGAR

Iskul Scoop: Mental health matters

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Oct. 13, 2024



Iskul Scoop

Hi, mga Ka-Iskulmates! Kamakailan lang ay dumalo kami sa ginanap ang World Mental Health Day 2024 na may temang “Stronger Together” sa University of the Philippines Diliman - Ang Bahay ng Alumni


Napakalahaga ng forum na ito dahil tinalakay dito ang kahalagahan ng mental health sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Plus, isa rin sa inabangan ang pagbibigay ng mensahe ng ating mahal na pangulo na si Pres. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., at ang kapatid nitong si Sen. Imee Marcos. But sadly, parehong hindi nakadalo ang magkapatid. Pero don’t worry dahil ipinaabot naman ni Sen. Imee ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng kanilang pinsan na si Ms. Eliza Romualdez.


Dinaluhan din ito ng iba’t ibang panel speaker, kung saan nagbigay sila ng mga makabuluhang impormasyon at binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng mental health dahil hindi lamang ito isang personal na isyu, kundi isang responsibilidad ng buong komunidad. 


Photo

Oops, there’s more! Isa ka rin ba sa dumaranas ng mental health issues at hindi alam o nahihiya kung kanino lalapit? Good news! Dahil may mga mental health app na tayong puwedeng i-download. 


Nag-aalok ito ng access sa impormasyon at mga resources 24/7. 

Kahit saan at kahit kailan, maaaring gamitin ang mga ito. Kung saan, makakakuha ang mga tao ng tulong sa oras ng kanilang pangangailangan.  


Kasama rin sa mga dumalo ang MindNation co-founder na si Ms. Cat Triviño. Ipinakilala niya ang MindNation app, isang mental health application na inilunsad ng MindNation. Ito at isang Singapore-based wellness company, na nagbibigay ng accessible na mental health services sa mga Pilipino. Ni-launch ito noong 2022, sa gitna ng pagtaas ng mental health issues, lalo na matapos ang COVID-19 pandemic. Amazing, ‘di ba?? So, what are you waiting for? I-download mo na, Iskulmate!


And as student, it's time for a mental health check-in, and no, hindi ito graded. Knows mo bang mahalaga rin ang mental health mo? Sa kabila ng mabigat na academic load, sunud-sunod na deadlines, at tambak na requirements, kailangan mo ring isama sa to-do list ang self-care. Kaya naman, narito ang ilang lighthearted tips para sa students na gustong i-balance ang stress at happiness:

  1. LABAN LANG, PERO MAGPAHINGA RIN. “Laban lang!” Iyan ang kadalasang naririnig sa mga estudyante. Pero tandaan, ang bawat laban ay kinakailangan din oras ng pahinga. Hindi ka robot, kaya ‘wag ka masyadong bayani. Maglaan ng kahit 15-30 minutes para mag-chill, makapanood ng movies, makipag-usap sa kaibigan, at iba pa. Oki?

  2. SKIP MO NA ‘YUNG DRAMA NG FRIEND MO. Stress ka na nga sa school, tapos may friend ka pang palaging may dramang parang teleserye? Baka kailangan mo munang mag-pause sa pagiging “on-call counselor." Okey lang magsabi ng, “Wait, ‘friend’—ako rin nangangailangan ng time out.” Sige ka, kapag nagpatuloy ka sa kakaganyan mo, baka ikaw lang din ma-burnout. 

  3. ‘WAG IKUMPARA ANG SARILI. Remember, ang timeline mo ay hindi pareho sa timeline ng iba. Kung ang classmate mo ay parang laging prepared at ikaw ay laging naghahabol, chill lang. Baka iba lang ang style mo, at hindi porke nauuna sila, kulelat ka na agad.

  4. ORGANIZED LIFE-ORGANIZED MIND. Makalat ba ang study desk mo? Baka pati utak mo ganyan na rin ha? Char! Subukan mo ring maglinis at mag-organize ng mga gamit, para hindi ka na mag-panic sa tuwing naghahanap ka ng assignment na nawawala dahil sa sobrang kalat. Sabi nga nila, “A clean space is a clean mind.” Gets mo?

  5. CELEBRATE LITTLE WINS. Napasa mo ‘yung assignment on time? Nakatapos ng isang chapter? Congrats, Iskulmate! Treat yourself. Hindi mo kailangan hintayin ang big achievements para bigyang importansya ang sarili. Kahit ‘yung mga maliliit na bagay ay dapat i-celebrate rin.

  6. ASK FOR HELP. Feeling mo ba kaya mong solohin lahat? Aba, hindi 'yan sustainable, Iskulmate. Huwag kang mahiyang humingi ng tulong kung kailangan— sa kaibigan, pamilya, o prof mo. Ang pagpapakita ng kahinaan minsan ay tanda ng tunay na lakas. Hindi ka superhero—ikaw ay human, at humans need help! 

Remember, Ka-Iskulmate, ikaw ay higit pa sa mga scores, assignments, at recitations. Ang buhay estudyante ay isang bahagi lang ng kabuuan mo, kaya take it easy.Hindi ka man makapasa sa lahat ng aspeto ng buhay, pero ang mahalaga ay patuloy kang nagsusumikap. Kaya mo 'yan—unti-unti lang. Pass or fail, basta healthy ka, panalo ka! Okie??

Wish din natin na sa mga susunod pang taon ay dumami pa ang mga ganitong celebration na hindi lang basta isang araw ng kaalaman kundi isang pagninilay sa ating mga pananaw sa kalusugan ng isip. 

Sabi nga nila, "Laughter is the best medicine."  Nawa’y mas marami pang tao ang makiisa sa mga ganitong kaganapan, dala ang ngiti at determinasyon na gawing mas maganda ang kalusugan ng isip para sa lahat.

Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? 

Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan.

So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page