ni Jasmin Joy Evangelista | March 6, 2022
Hindi umano dapat gamitin ng mga political candidates ang mga simbahan sa pagsasagawa ng campaign rallies, ayon kay presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.
Sa interview ng mga reporter, sinabi ni Moreno na “abnormal” ang pagdadaos ng campaign rally sa church buildings at pagpapaskil ng mga campaign poster dito.
“Sana huwag natin gamitin na rally area ‘yung loob ng simbahan. Katoliko rin po kami, hindi lang po kayo ang may-ari nyan, ‘yan po ay pag-aari ng lahat na kasapi ng simbahang Katoliko,” ani Moreno.
“Ewan ko ang opinyon ng taongbayan na Katoliko na ginagamit ‘yung simbahan as rally area. Hindi ko alam sa kanila but ako sa akin, I am offended as a Catholic. Hindi ko alam kung na-o-offend din ang ibang Katoliko,” dagdag niya.
Hindi binanggit ni Moreno kung sinong kandidato ang kanyang tinutukoy.
Sa panayam noong Biyernes, pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo na ginagamit niya ang simbahang Katoliko para sa kanyang presidential campaign. Ito ay sinabi niya nang tanungin ng media hinggil sa mga kritisismo sa kanyang desisyong pagdaan sa mga simbahan kung saan siya may campaign sorties.
Ayon pa sa bise presidente, ito ay insulto sa Simbahan at hindi umano papayagan ng institusyong ito na magamit para sa mga partisan activities.
Comments