top of page
Search
BULGAR

Iskedyul ng ‘Localized Traslacion’, inilabas ng Quiapo Church

ni Lolet Abania | December 8, 2021



Naglabas na ng iskedyul ang Minor Basilica of the Black Nazarene o kilala sa tawag na Quiapo Church, ng ‘Localized Traslacion’ na gaganapin sa huling linggo ng Disyembre ngayong taon hanggang Enero 2022.


Ayon kay parochial vicar Fr. Douglas Badong, ang pagdiriwang ng ‘Localized Traslacion’ ay gaganapin sa maraming lugar sa halip na ang tradisyunal na Traslacion para maiwasan ang malaking bilang ng mga debotong dadagsa sa Manila sa Enero 9, ang araw ng pista ng Itim na Nazareno, sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Ang tradisyunal na Traslacion, ang prusisyon ng imahe ng Itim na Nazareno, na nagsisimula sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church, ay kadalasang dinadagsa ng milyong deboto nito.


Narito ang listahan ng ‘Localized Traslacion’ na gaganapin mula Disyembre 27, 2021 hanggang Enero 8, 2022, ayon sa Quiapo Church.


Ang imahe ng Itim na Nazareno ay dadalhin sa mga sumusunod na petsa at lugar:


• Dis. 27-29, 2021: Atimonan Catholic Church - Atimonan, Quezon


• Dis. 28-30, 2021: The Baguio Cathedral of Our Lady of the Atonement or Baguio Cathedral


• Dis. 29, 2021 – Enero 2, 2022: St. Ferdinand Cathedral Lucena City


• Dis. 30, 2021 – Enero 2, 2022 - Birhen ng Antipolo - Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral


• Dis. 31, 2021 – Enero 1, 2022 - Caritas Manila


• Enero 1-2, 2022:

- Chapel of St. Lazarus o San Lazaro Hospital

- Shrine of Our Lady of Namacpacan, La Union


• Enero 2-3, 2022:

-National Capital Region Police Office (NCRPO)

-St. John the Evangelist Cathedral, Lingayen, Dagupan

-Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit o San Pablo Cathedral

-San Roque Cathedral - Diocese of Kalookan


• Enero 3-4, 2022:

-Manila PIO o Manila City Hall

-St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral/Historic Cabanatuan Cathedral, Cabanatuan City

-Metropolitan Cathedral of San Sebastian - Archdiocese of Lipa

-Novaliches Cathedral


• Enero 4-5, 2022:

-Greenbelt Chapel, Ayala Center

-San Sebastian Cathedral Parish Tarlac, Poblacion, Tarlac City

-The Roman Catholic Parish Church of St. John the Baptist City of Calamba, Calamba City

-The Immaculate Concepcion Cathedral of Cubao


• Enero 5-6, 2022:

-Bureau of Fire Protection-Main Office

-Katedral ni San Jose, Nueva Ecija

-Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar-Imus Cathedral

-Immaculate Conception Cathedral of Pasig


• Enero 6-7, 2022:

-DZRV 846/ Radyo Veritas 846

-Metropolitan Cathedral of San Fernando, Pampanga

-The Cathedral Parish of St. Andrew, Parañaque

-The Manila Cathedral - Minor Basilica of the Immaculate Conception


• Enero 7-8, 2022:

-San Carlos Seminary - Archdiocese of Manila, Guadalupe, Makati

-Malolos Cathedral - Immaculate Conception Parish Cathedral and Minor Basilica

-Baclaran Church - National Shrine of Our Mother of Perpetual Help, Parañaque


• Enero 8, 2022: The Nazarene Catholic School (OFFICIAL), Hidalgo St., Quiapo, Manila


Ito na ang ikalawang pagkakataon na hindi naisagawa ang tradisyunal na Traslacion dahil sa COVID-19 pandemic.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page