top of page
Search
BULGAR

Isinilang sa Year of the Sheep, dapat munang mamulat sa reyalidad ng paligid at mundo bago umunlad

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | April 24, 2021



Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Sheep o Tupa na tinatawag ding Goat o Kambing ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015 at 2027, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Sheep o Tupa at tinatawag din Goat o Kambing.


Dahil sa taglay na kabutihan at mababang puso, sinasabi ring ang Kambing o Tupa ay madali ring maimpluwensiyahan at mauto. Kaya naman kung hindi mag-iingat sa mga manloloko at racketeer ang isang Tupa o Kambing, tiyak na mauutangan siya ng malaking halaga at wala nang bayaran at talaga namang hindi na niya ito masisingil pa.


Kaya upang umulad at lumago ang kabuhayan, dapat niyang maisip na minsan ay hindi naman talaga mabuti at masyado kang mabait at maawain sa iyong kapwa, lalo na kung ang pinakikitaan mo ng kabaitan at awa ay mga taong masasama at walang kuwenta.


Samantala, isa rin sa negatibong katangian ng isang Kambing o Tupa na dapat niyang sawatain upang matiyak ang kanyang pag-unlad at ligaya ay ang pagiging pesemista at maramdamin. Kung saan, karamihan sa kanila ay nakatingin palagi sa pangit na anyo ng buhay sa halip na sa magandang bulaklak ang napapansin nila sa isang halaman ay ang mga lantang dahon nito. Kaya naman kung hindi ito maaalis ng isang Tupa sa kanyang buhay, sinasabing malabo siyang umunlad at habambuhay na lumigaya.


At dahil likas ang taglay na kabaitan, madali ring magtampo at magdamdam ang isang Tupa kung saan nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanang hindi lahat ng tao sa mundo ay katulad niya na mabait, tapat, mapagbigay at mapagpasensiya, kaya naman kapag may nae-encounter o nakakasalamuha siyang masasamang tao, mapagsamantala, tuso, kuripot, matapobre at mapang-api ng kapwa, hindi niya maiisip na may mga ganu’ng tao na ang mundo pala ay hindi lamang tirahan ng mababait na nilalang. Sa halip, minsan ay mas marami pa ang may magagaspang na ugali at masasama.


Kaya naman habang nagma-mature ang isang Tupa o Kambing, kasabay nito ang unti-unting paglawak at nagiging matured din ang pananaw niya sa mundo at nakikita niya nang malinaw ang reyalidad o katotohanan ng buhay.


Kaya naman sinasabing uunlad at magiging maligya na sa buhay ang Tupa o Kambing, lalo na sa aspetong materyal na mga bagay pagtuntong pa niya ng edad 43, kung saan sa panahong ito, magiging mulat siya sa totoong nangyayari sa mundo at kanyang kapaligiran.


At dahil likas na maramdamin at may pagka-emosyunal, maawain at nadadala ng labis na awa at habag, ang ikinaganda naman sa isang Tupa o Kambing ay ang taglay niyang matalas na intuition, kung saan sa anumang pagdedesisyon at maging sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, sinasabing kapag ginamit o pinanghawakan niya ang kanyang matalas na intuition, tiyak na ang dulong sadlakan ng gagawing niyang pagpapasya at pagkilos ay sa malaking tagumpay at wagas na kaligayahan hahantong.


Itutuloy

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page