top of page
Search
BULGAR

Isinilang sa Year of the Horse na mabilis kumilos, mabilis ding yumayaman

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | February 4, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga isinilang sa animal sign na Horse o Kabayo ngayong Year of the Water Rabbit.


Ang Horse o Kabayo ay silang mga isinilang noong taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014, at 2026.


Ang isa pang hahangaan mo sa Kabayo ay gusto niya na nasa oras ang lahat ng bagay.


Kapag may lakad, gabi pa lang ay umaandar na ang isip at imahinasyon niya kung paano siya magiging on-time sa kinabukasan.


Maaari ring gabi pa lang ay maingat na maingat nang inihahanda ng Kabayo ang lahat ng kanyang mga dadalhin at kailangan sa masalimuot na pagtakas na gagawin niya kinabukasas. Kaya kadalasan, ang nagiging resulta kapag may mahalagang bagay na pupuntahan ang Kabayo, halimbawa ay outing, picnic o swimming, sa sobrang excited at dahil takbo nang takbo ang kanyang isipan, dinadatnan siya ng insomnia, hanggang sa pagtingin niya sa orasan o bintana sa kuwarto at pagmulat ng kanyang mga mata, umaga na at kailangan na niyang bumangon agad.


Dagdag pa rito, ang mga Kabayo ay itinuturing ding fast thinker o palaging advance ang takbo ng kanilang utak. Halimbawa, sa pagsasaliksik o research, kaunti pa lang ang ebidensya, mabilis na niyang naiisip na tama o tumpak ang kanyang ginagawa dahil mas nauuna ang kanyang personal na konklusyon kaysa sa dami ng mga datos na kanyang nakalap. Gayundin, dahil sa likas na talas ng kanyang intuition, tama ang kanyang iniisip at hinahaka, kaya sa 12 animal signs na humarap sa palasyo ni Lord Buddha, ang Kabayo ay isa sa itinuturing na matalinong nilalang.


Bukod sa matalino, ang Kabayo ay itinuturing ding “very expressive” at may kadaldalan. Kung saan, bida siya nang bida ng kanyang mga nalalaman at kapag halimbawang nakatabi mo siya sa isang pampasaherong bus at nakakuwentuhan mo siya, umasa kang hindi siya mauubusan ng kuwento hanggang sa makarating kayo sa kani-kanyang destinasyon ay hindi pa rin matapos-tapos ang kanyang pagbibida at kadaldalan.


Kaya kapag kasama mo ang Kabayo, siguradong hindi ka maiinip dahil tiyak na i-e-entertain ka niya sa pamamagitan ng kanyang mga kuwento, kung saan akala mo ay totoong-totoo, pero ang iba ru’n ay likhang isip lamang.


Sinasabi ring lahat ng mabibilis na bagay ay nasa katangian ng Kabayo. Ayon sa aklat na Chinese Elemental Astrology ni E.A. Crawford, et al., “The Horse loves action, he talks fast, he thinks fast and he moves fast.”


Kaya tulad ng nasabi na, walang bagay na mabagal sa kabayo, sapagkat kapag mabagal ang mga pangyayari, madaling nabo-bored o tinatamad ang Kabayo. Kapag nakakita ka ng Kabayo na babagal-bagal, umasa ka na maaaring siya ay bigo o hindi masyadong successful sa kanyang buhay. Sa kabilang banda, kapag nakakita ka ng isang Kabayong mabilis – mabilis maglakad, magsalita at mabilis sa lahat ng bagay, mas malamang na siya ay successful at maligaya sa buhay.


Kaya tandaang likas na sa Kabayo ang mabilis sa lahat ng bagay. Dahil dito, mabilis din siyang magmahal, makakapag-asawa at kapag talagang ginusto niya, mabilis din siyang yayaman.


Itutuloy


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page