ni Lolet Abania | August 23, 2021
Ipinahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez ngayong Lunes na ang Food and Drug Administration (FDA) ay nag-isyu ng emergency use authorization (EUA) para sa single-dose Sputnik Light COVID-19 vaccine.
“The FDA has approved EUA for Sputnik V na one dose na siya. We have 10 million doses, so 10 million na tao ang makikinabang,” ani Galvez.
“Full protection na itong Sputnik Light, like Johnson and Johnson na single dose,” dagdag ni Galvez.
Ayon sa Russian Direct Investment Fund (RDIF), lumabas na ang Sputnik Light ay may 79.4 percent efficacy rate kumpara sa 91.6 percent para sa two-shot ng Sputnik V. Samantala, tinatayang nasa 13 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa ngayon, habang target ng gobyerno na makapagbakuna ng 76.3 milyon sa katapusan ng taon upang makamit ang herd immunity ng bansa.
Comments